Una sa Balita

Maja, pantapat sa powers ng USA, China at Russia

By
0 20

Tawang-tawa kami sa pagkukumpara kay Maja Salvador sa mga superpowers na bansa na tulad ng America, Russia at China. Sabi kasi, si Maja lang daw ang puwedeng ipantapat sa kanila.

Lily Cruz is Back! 💚 #WildestComeback #LoveLiveLily #Wildflower

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

Kung bakit? Well, sobrang pasabog daw kasi ang pagbabalik ni Maja bilang si Lily Cruz sa Kapamilya teleserye na Wildflower. At pasa­bog din kasi ang ratings na nakuha ng episode na ‘yon last Oct. 9, dahil na-reach nito ang panibagong all-time high national TV rating na 33.8% kontra sa kalaban na 18% lang, base sa datos ng Kantar Media.

Tinutukan nga ng sambayanan ang paglantad ni Lily Cruz sa mga Ardiente matapos ang matagal na pagkubli sa katauhan ni Ivy Aguas.

Trending sa Twitter nationwide, at worldwide, ang agaw-eksenang entrada ni Lily suot ang gold na gown at may resbak pang armadong mga kalalakihan. At bongga rin ang matatalas na salita nito kontra sa mga Ardiente.

Palakpakan nga ang lahat sa mga linya niyang… “Black is out. Gold is in. And just like gold, I am indestructible!”

Doon nga nanggaling ang pagkukumpara kay Maja sa mga bansang China, USA at Russa, na kahit sila pa ang tapatan ng karakter nito bilang Lily, hindi nila ito kayang wasakin.

Kaya sabi ni @shaimue, “Yung mapapanganga ka na lang sa galing magbitiw ni @dprincessmaja ng mga lines niya, grabe!”

Kinilabutan naman si @gulyanRAA, “Nakakatindig balahib­o ang pagbabalik ng nag-iisang Lily Cruz! Ikaw na talaga!”

“‘Yung mga ganitong moment sa #Wildflower dapat walang commercial! Nakakabitin! Hahahahaha!” komento ni @mesooYanmari.

Aliw, ‘di ba?