Una sa Balita

Maja naglaway sa ‘pandesal’ ni Rambo

0 487

abante-anything-goes-jun-lalinAng sweet na girlfriend ni Maja Salvador kay Rambo Nuñez. Talagang pala­ging­ pino-post sa social media ni Maja kapag magkasama sila ni Rambo. Naka-post nga ‘yung bakasyon nila sa Bali, Indonesia.

Sa isang posting naman, pinost ni Maja ang shirtless na boyfriend at pabirong sinabi na, “Waiter! Extra rice please! O kaya Kape pangsawsaw sa pandesal!”

Ang pandesal na tinutukoy ni Maja ay ang abs ni Rambo na “katakam-takam”!

Marami nga pala sa friends nina Maja at Rambo from showbiz ang nagwi-wish na mauwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Sabi ng isang ka-close ni Rambo na nakatsikahan ko, sobrang seryoso raw ng binata sa relasyon nila ni Maja.

Wow!

Solenn gusto nang pabuntis kay Nico ngayong 2019

How time flies at three years na palang kasal sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Sabi nga ni Solenn, muntik niyang nakalimutan ‘yon hanggang may bumati sa kanya ng happy anniversary.

Oo nga pala, kapag tinatanong kung kailan nila balak na magkaroon ng anak ni Nico, sinasabi ni Solenn na plano na niyang magbuntis bago matapos ang 2019.

Sana nga matupad ang plano nila na magkaroon na ng anak dahil sa hitsura nina Solenn at Nico ay siguradong magiging napakaganda ng magiging baby nila, huh!

Part nga pala si Solenn ng “Love You Two” primetime series ng GMA-7.

Sylvia masaya sa dinner with Maine

Sa pa­ngu­ngulit ko kay Sylvia Sanchez ay kinonfirm­ niya ang tsikang­ nakara­ting sa akin na ipina­kilala na sa kanila ng anak niyang­ si Arjo Atayde ang rumored girlfriend nito na si Maine Mendoza.

Feeling ko ay nagpaalam muna si Sylvia kay Arjo bago sagutin ang tanong ko tungkol sa pagbisita ng phenomenal star ng “Eat Bulaga” sa kanilang bahay noong Thursday.

Inamin nga ni Sylvia na nag-dinner sa kanila si Maine at nakilala nila ng mister na si Art Atayde at ng mga kapatid ni Arjo, pero hindi na nagkuwento ng kahit na ano ang prem­yadong aktres.

Pero mukhang masaya naman siya sa dinner nila ni Maine.

Inusisa nga rin pala ako ni Sylvia kung paano ko nalaman na ipinakilala na ni Arjo sa kanila si Maine at sinabi ko na ilang ArMaine (Arjo-Maine) fans ang nag-tip sa akin.

Bilib nga si Sylvia sa mga fan dahil pati ang mga ganoong pribadong bagay ay hindi nakaligtas sa mga ito.

Wala nga pala akong nakitang picture nila with Maine na ipinost si Sylvia sa kanyang social media account kaya hindi ko na siya kinulit pa na i-share sa akin ang picture nila with Maine (kung meron man), huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy