Una sa Balita

MAJA, MALA-ANGELINA JOLIE SA BUGBUGAN!

By
0 9

Trending at umani ng papuri ang action scenes ni Maja Salvador last Monday (June 12) sa matensyong episode ng Wildflower.

Mala-Angelina Jolie nga ang dating ni Maja, na kayang-kayang pabagsakin ang mahigit limang lalake.

Well, inamin ni Maja na hindi madali ang naturang eksena kahit na may karanasan na siya sa aksyon noon.

“May action scenes na ako na nagawa before, pero mas matindi ang fight routines na pinagawa sakin sa Wildflower, tapos naka-heels pa,” tsika ni Maja.

“Pero okay lang kasi if you really love your cha­racter tapos you’re giving 100% para mapaganda ang show, magagawa at magagawa mo kahit gaano pa kahirap,” dagdag na say pa ni Maja.

Malaki rin ang pasasalamat ni Maja sa kanyang fight instructor na inalalayan siya nang husto sa eksena.

“Salamat din pala sa suot kong heels kasi matibay siya!” pabirong sabi ni Maja.
So, bet na ba niyang malinya sa mga action movies?

“Kung iyon ang mabibigay sa akin na pro­ject, why not? Game! Sabi nga ni Ivy Aguas, ‘bring it on!’ Gusto ko ‘yung mga project na may challenge sa akin.

“Dahil mas nae-explore ko pa kung ano pang kaya kong mabigay!” sagot ni Maja.

Anyway, mas lalo pa ngang umiinit ang mga tagpo sa Wildflower lalo pa’t mas matindi na ang banggaan sa pagitan nina Ivy at Emilia (Aiko Melendez).

Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflo­werchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.