Una sa Balita

Maja mabagsik ang harutan kina Vin, RK at Joseph

By
0 2,093

Matapos painitin, pasabugin ang Cebu, ang Kia Theatre naman ang patitikimin ni Maja Salvador ng bagsik niya sa pagkanta, pagsayaw, na may kasamang panghaharot, paglalandi.

Mapapanood ngang muli si Maja na tuma-tumbling habang kumakanta, o binabasa ang katawan na tipong naliligo, habang gumigiling sa stage ng Kia Theatre sa March 23 sa show niyang Maja On Stage.

“Nung sinabi na may plans about concert at ano magiging title, sinabi ko lang na parang sa buong 2017, nagpaka-actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, ‘di ba? So parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” say ni Maja.

Produced by Four Lights Entertainment Productions, Maja on Stage is Maja’s fourth major show. Una na nga ang Maj: The Legal Performer (2014), Majasty (2015) and Only Maja (2016). At bukod pa sa show niyang ginawa sa Cebu, nag-perform din siya sa Oklahoma at Las Vegas last month.

“Eh forever love ko ang pagsho-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, pero babalik-balikan ko siya,” sabi ni Maja na ang tinutukoy nga ay ang pagpi-perform.

Pero, ano ba ang maasahan sa show niya ngayon?

“Siyempre, not the same as sa MOA, sa mga naging concerts sa Music Museum, kasi syempre we want something new naman lagi. So, iba ‘yung atake sa music, sa sayaw.”

At ito nga ang isa sa mga dapat abangan, ang partisipasyon ng Wildflower leading men niya na sina Joseph Marco, RK Bagatsing at Vin Abre­nica. Kung sa TV ay matindi na ang mga eksenahan nila, mas mabagsik nga raw ang eksena nila sa stage.

Eh, sasamahan pa siya ng mga comedienne friends niyang sina Kakai Bautista, Pooh, at pati na sina Maymay Entrata, at Jhong Hilario.

“Siguro sa lakas din ng Wildflower yung mga producer yung may gusto na kasama si Vin, si RK and Joseph. Tapos may Kakai and Pooh. Syempre si Kakai, kaibigan ko. And si Pooh, magaling na komedyante naman yon,’ di ba? At nag-trending ‘yung tour naming yon sa Canada,” esplika ni Maja.

“Ako kasi, ang lagi kong sinasabi, to give happiness. Yung magbigay ng entertainment sa mga kapamilya natin sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang bansa. ‘Yun naman talaga ang gusto ko kaya ko ginagawa ang lahat ng ito,” say pa niya.

Para sa tickets, visit ticketnet.online or call 911-5555, and Ana Magarita Siton at 0926-7514138.

Thea magtataray sa I-Bilib?

Magtataray ba si Thea Tolentino kina Chris Tiu, James & Roadfill ng Moymoy Palaboy sa I-Bilib ngayong umaga sa GMA 7? ‘Yan ang dapat alamin.

Anyway, learning about science is fun in I-BILIB featuring street genius.

May science question ka ba? Alamin ang sagot sa tulong ng mga Street genius.

Pero teka lang, ang one-second car wash ba ay ­possible talaga? Malalaman ang sagot sa tulong ng crane, 200 gallons of water and a car.

Makaka-survive ba ang isang langgam sa init ng ­microwave? Alamin kung sino ang magwawagi sa laban ng ANT vs MICROWAVE!

Can aluminum withstand the heat of raging charcoal? Learn why this is possible in the mini-hotdog grill experiment.

Samahan sina James at Roadfill as they swim and discover the beauty of ­technology in the Bilibabol underwater drone trivia!

Cap the morning with a sweet ending in Thea’s Huling hirit (parting shot) Marshmallow cones! Make your Sunday mornings more exciting with team I-Bilib!