Una sa Balita

Maja keber i-unfollow ni Julia

0 461

Todo push sa JoshNella:

Maraming fan ang labis na naka-relate ngayon sa pagiging alaskador ng “Killer Bride” star na si Maja Salvador dahil sa mga lumalabas na video kung saan todo push siya sa tambalang Joshua Garcia at Janella Salvador o JoshNella.

Sa pagtatapos kasi ng kanilang serye, tila mas lumakas pa ang chemistry o spark ng dalawa dahil sa kissing scene ng JoshNella. Marami na ring kumakalat na video na kilig-reactions nilang dalawa sa isa’t isa, na mas gumagrabe pa ang spark dahil sa pang-aasar ni Maja.

“Huuuu maa-unfollow ako neto,” biro ni Maja.

Kamakailan lang kasi ay in-unfollow na ni Julia Barretto sina Joshua at Janella, so palagay ng mga fan ay ‘yun ang tinutukoy ni Maja.

Anyway, bentang-benta nga ang mga pangangantiyaw ni Maja kina Joshua at Janella. Mayroon pang video na humirit si Maja ng “that’s your Emma or your baby?” at sumagot din naman with kilig face pa si Joshua ng “That’s my baby”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More