Una sa Balita

Maja hindi totoong nagsuplada, dinumog ng mga Filipino sa US

By
0 5,314

Nakasabay ng isang friend ko sa flight pa-Los Angeles, California si Maja Salvador.

Bale noong Wednesday ng hapon (kahapon ng umaga sa Pilipinas) dumating ng L.A. si Maja kasama ang Wildflowers leading men niya na sina Joseph Marco, Vin Abrenica at RK Bagatsing plus ang komedyanteng si Pooh.

Kuwento ng kaibigan ko, sobra raw pinagkaguluhan si Maja sa LAX (Tom Bradley International Airport) arrival area.

Abante Hiring – IT dep

May ibang natiyempuhan lang na dumating ang grupo ni Maja sa LAX, pero karamihan daw ng mga Pinoy roon ay inabangan talaga siya at alam na alam na darating siya.

Eh, super nice naman daw si Maja, kaya worth it ang paghihintay sa kanya ng Pinoy fans sa LAX.

Sabi pa ng friend ko, ang tawag ng iba kay Maja ay Ivy Aguas at Lily Cruz na characters niya sa Wildflower na kahit tapos na nga ang teleserye nilang ‘yon sa ABS-CBN ay talaga namang nakatatak pa rin sa isipan ng mga fan!

Eh, isa nga kasi sa nangunang teleserye sa TFC (The Filipino Channel) ang Wildflower, kaya hindi talaga nakakapagtaka na ganoon na lang pagkaguluhan si Maja sa LAX, ‘noh?!

Anyway, ang dating singer na si Lerma dela Cruz ang promoter ng Maja On Stage at meron silang show bukas (Friday) sa Claremore, Oklahoma at sa Sunday naman ay sa Las Vegas, Nevada sila.

Birthday pasabog ni Daniel kay Kathryn sa Amerika inaabangan ng mga fan

Si Tita Lerma at ang kanyang Berce Enterprises din ang promoter ng One Magical Night 2018 USA concert series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kaya naman ‘yun ang aasikasuhin ng rumored-sweethearts after ng La Luna Sangre finale sa March 2. Kasama rin ng KathNiel sa kanila concert series si Iñigo Pascual.

Aabutin daw ng hanggang April sa USA ang KathNiel dahil ang hu­ling show pa nila ay sa Jacksonville, Florida on April 1.

Eh, magbi-birthday rin si Kathryn habang nandoroon sila, kaya ang mga fan nila mismo ni Daniel ang excited kung ano raw ang sorpresang gagawin ng binata sa kanyang rumored-girlfriend, huh!

Ang alam ko nga pala, pagkagaling nila sa USA ay may gagawing pelikula sina Kathryn at Daniel sa Star Cinema, pero ang next teleserye yata nila after nga ng La Luna Sangre ay medyo matatagalan pa.

And speaking of La Luna Sangre, masu-surprise raw ang viewers sa masasaksihan nila sa finale ng nasabing fantaserye dahil kakaiba raw ‘yon at secret pa nga raw kahit sa cast ang kanilang ending dahil hindi pa nila nasu-shoot ‘yon.