Una sa Balita

Maja ‘di sinulot ni Ivana

0 544

Ang bongga talaga ng bagong exclusive contract star ng ABS-CBN na si Ivana Alawi. Balita namin ay mag-i-story conference na para sa bagong teleserye na siya na ang bida ngayong week na ‘to.

“Ligaya” raw ang title ng serye. Pero sa mga nag-iisip tulad namin kung adaptation ba ito ng pelikula ni Rosanna Roces noon, hinding-hindi raw.

Hindi rin daw ito ang serye na dapat ay kay Maja Salvador, so it means, ang pagbibidahan ni Ivana ay para talaga sa kanya.

Pero siguradong sexy ang tema nito dahil mismong si Ivana na may mahigit 4 million subscribers lang naman sa YouTube account nito na ilang buwan pa lang simula nang umpisahan niya ang may gusto na ayaw niya ng mga pa-tweetums, pabait-bait na roles.

Ang gusto niyang talaga, magpa-sexy o maging hubadera.

Kaya ewan, may feel kami na kakabugin ni Ivana ang makakatapat nito kapag umere na ang una niyang serye as Kapamilya’s exclusive star.

Megan, Alice, Bianca ‘tutuhugin’ ni Dennis Trillo

Tumatalakay na naman sa kuwento ng mga “Muslim” ang diumano’y bagong teleserye na gagawin ni Dennis Trillo sa Kapuso network. Kung tama ang nakarating sa amin at wala nang mababago, parang lumalabas na tatlo ang magi­ging asawa ni Dennis dito, ha!

Pero malayo sa unang iisipin na tungkol sa adultery ang pelikula. Iikot nga raw sa kuwento ng mga Muslim na alam ng lahat, allowed na mag-asawa ng hindi lang isa o dalawa.

Interesting, bago ang makakasamang mga leading ladies ni Dennis sa bago niyang serye. Nang malaman nga namin kung sino-sino ang mga ito, parang may pinakasalan si Dennis sa ­kuwento sa iba’t ibang generations.

Again, kung walang mababago sa nakarating sa amin, sina Alice Dixson, Megan Young at ­Bianca Umali raw ang gaganap na three wives ni Dennis sa bago nitong serye.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More