Una sa Balita

MAJA IN BLACK WEDDING GOWN, NAKAKAKILABOT!

By
0 90

Bukas pa lang ipalalabas ang wedding scene ni Maja Salvador kay RK Bagatsing sa Wildflower, pero ilang linggo na ngang pinag-uusapan ang pasabog nila.

Eh kasi naman, ang bongga-bongga at kikilabutan ka talaga, dahil si Maja, bilang si Ivy Aguas, rarampa sa kasal niya, na kulay itim ang wedding gown.

IVY AGUAS #TheBrideInBlack #WildflowerWildestWedding AUGUST 9 2017

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

“#TheBrideInBlack #WildflowerWildestWedding AUGUST 9 2017,” ang simpleng caption ni Maja sa teaser ng Wildflower na kung saan ay naglalakad na nga siya papalapit sa altar na itim ang wedding gown.

Halos pare-pareho ang reaksyon ng mga nakapanood ng teaser ng wedding scene na `yon ni Maja, at `yun ay kinilabutan talaga sila.

Nakakakilabot nga raw ang eksena, na habang nagla­lakad si Maja, parang may kakaibang magaganap.

Sa tunay na buhay, hindi naglalakas-loob ang mga babae na magpakasal sa simbahan, na itim ang suot nilang pangkasal. Ang iba nga, nagri-request na sana ay ‘wag magsuot ng itim ang mga bisita nila sa kasal.

Anyway, heto ang say ng mga fans ni Maja sa nakaka­kilabot na kasalan sa Wildflower ng ABS-CBN 2.

“ace_alaskadora Kinikilabutan ako sa trailer na ito grabe…. sobrang exited…ang sarap siguro na live mapanuod ito. Hahahah.”

“nadzv2Pota!!! Tindig balahibo ko kay Maja!”
“fatima_abdul058 Tindig balahibo ko sau Maja…”

“msjura.mirahe Havey! Ang black wedding gown. If this is a Michael Cinco design. Slay it and I love it so much! Bet ko toh maging #weddinggowngoals @iammajasalvador.”

“pennyatoeslove Goosebumps all over!!! Hahaha dama mo ‘yung itim na gown nya eh! Di love eh! Kundi tanda ng pagkamuhi sa mga Ardiente.”

“ms_roseann Naloka ako akala ko burol ang event ,wedding pala to. Hahahah.ganda talaga ng Wildflower.”

“joseph_siah Pagkatapos nito … Marami na ikakasal na black ang gown.”

“mariam_02638 Ang ganda mo Maja sa black gown first time ko makakita na naka-gown ng black sa kasal.”

“yhelleyhelii@gabubot black wedding. OMG. Can’t wait.”

“marszky Wildest wedding of the year talaga, bride in black ba naman eh. Pero kahit bride in black, super pretty mo pa rin Ivy!” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy