Una sa Balita

Maintenance crew nahulog sa bubong, patay

By
0 662

Parang ibong binaril sa ere at dire-diretso pababa ang isang maintenance crew nang mahulog ito hanggang sa masawi mula sa bubu­ngan ng kinukumpuni nitong bodega sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Bonifacio Plantinos, 51, may-asawa ng Northwind, San Jose Del Monte Bulacan, dahil sa labis na pinsala sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-dos ng hapon, abala sa pagkukumpuni sa bubungan ang biktima sa bodega ng Vanhawk Paper Phili­ppine Company na nakabase sa No. 6400 Tatalon Street, Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Habang abala sa pagkukumpuni, naapakan ni Plantinos ang bulok na bahagi ng bubungan dahilan para mahulog siya ng may 30 talampakan at diretsong bumagsak sa ibaba ng bodega.

Agad na dinaluhan ng mga naroroon ang biktima para dalhin sa pinakamalapit na ospital, pero wala na itong buhay.