Una sa Balita

Mainis kayo sa maganda kong mukha — Dani Barretto

0 483

Nang-asar ng mga basher:

Inunahan na ngang laitin ni Dani Barretto ang sarili kahit kabuntisan niya bago pa siya bugbugin nang pamimintas ng mga basher dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Julia Barretto.

Nag-post si Dani ng close up photo niya at sa caption pinintasan niya ang sarili para unahan na ang manlalait sa kanya. Sabi nito sa mensahe, nabuntis lang siya kaya pinakasalan ng kanyang asawa.

“Eh kasi n aman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napakapanget mo at pinakasalan ka lang naman kasi nabuntis ka. Next time quiet ka na lang. Yan tuloy naba-bash ka.

“Oh, gulat kayo me-morize ko na kayo noh? HAHAHAHA.
“Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha..
“You do note meeeeee,” sabi ni Dani.

Marami ang naloka sa post na ito ni Dani at sinabing hindi na ito dapat nang-inis ng mga basher dahil lalo itong masasadlak sa panlalait.

Hindi gaya ni Julia, nakabukas pa rin ang comment section nito sa lahat.

(Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy