Una sa Balita

Maingay na lasing binurdahan ng katrabaho

0 386

PATAY ang isang lasing na construction worker matapos saksakin ng kasamahan sa trabaho dahil sa pag-iingay sa kanilang barracks sa Brgy. Tugtug, San Jose, Batangas kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronald Canila, tubong Garchitorena, Camarines Sur.

Naaresto naman ng mga pulis at ngayon ay nakakulong na sa San Jose police station locked up cell ang suspek na si Ronald Ramos y Gonzaga, 32-anyos, residente ng San Juan, Taytay, Rizal.

Batay sa imbestigasyon, dakong ala-una nang madaling-araw, matutulog na sana ang suspek matapos ang kanilang inuman nang mainga­yan ito sa nagkukuwentuhan pang mga kasama.

Sinabihan umano nito ang mga ito na “kung ayaw nyo matulog, magpatulog kayo! may trabaho tayo bukas!”

Ikinagalit ito ng biktima kaya’t pinalo ng martilyo sa ulo ang suspek.
Subalit nakakuha ng itak ang suspek at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima na siyang agad nitong ikinasawi. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy