Una sa Balita

Maine, Vice mga top celeb sa Twitter 

By
Maine Mendoza at Vice Ganda
0 2,611

Binati ng Twitter Philippines sina Maine Mendoza at Vice Ganda bilang top celebrities sa Twitter para sa buwan ng Enero hanggang April 2018.

“Today we release the first edition of Philippine Entertainment Index for you to keep track of @WhatsHappening. Congratulation to @mainemendoza and @viceganda as the top celebrities on Twitter for the month of January – April 2018,” tweet ng Twitter PH kahapon.

Kinabog ni Maine sina Maris Rascal, Loisa Andalio, Maymay Entrata at Kathryn Bernardo na nasa ikalawa hanggang ikalimang puwesto.

Sa male celeb, kasunod ni Vice sa second to fifth spot sina Donny Pangilinan, Alden Richards, James Reid at Ronnie Alonte.

Bago ang release ng Top Female and Male Celebrities, unang naglabas ang Twitter PH na sa mga loveteam, ang AlDub loveteam nina Alden at Maine ang number one sa Twitter PH.

Pagdating sa top trending teleseryes naman, kabilang dito ang Kapuso series na Sherlock Jr. at Kambal Karibal na nasa Top 5.