Una sa Balita

Maine umamin sa relasyon kay Arjo

Mga AlDub fan nadismaya

By
0 1,210

Inamin ni Maine Mendoza sa pamamagitan ng kanyang blog ang totoong ugnayan niya kay Arjo Atayde.

Sa blog na pinost niya noong March 2, bisperas ng kanyang birthday, nilinaw niya ang mga naglalabasang balita tungkol sa namamagitan sa kanila ni Arjo.

Kinumpirma ni Maine na nagde-date sila ng Kapamilya actor.

“It’s true, I am dating Arjo. We have been going out for quite some time now,” ayon sa blog ni Maine.

Ayon pa kay Maine, pinili niyang lumabas kasama ang actor upang mas kilalanin pa umano ito.

“I wouldn’t deny that our friendship si growing deeper with time,” dagdag pa niya.

Inamin ng Phenomenal Star na nakilala ng actor ang pamilya niya. Ito rin daw ang unang lalaking ipinakilala niya sa kanyang mga magulang.

Kasabay ng pag-amin na ni Maine ay humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mga fan sa pagsasabi ng totoo.

“I am sorry If I am hurting you with my truth,” paghingi ng sorry ni Maine.

Maraming fan ang nalungkot lalong-lalo ang AlDub Nation dahil hopya pa rin sila na sina Maine at Alden Richards ang magkakatuluyan.

Meron din namang kumukuwestyon sa naturang blog ng Phenomenal Star dahil sa ang ending umano nito ay isang recipe ng turon.

At siyempre sa mga legit at nagmamahal na fan kay Maine, ang wish nila sa kanilang idolo ay happiness.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy