Una sa Balita

Maine tsinismis na buntis

0 583

Marami ang nakakapansin na tumataba raw si Maine Mendoza, na kesyo sa “Eat Bulaga” raw, may mga anggulo na ang malusog niya, na maumbok ang kanyang tiyan.

At si­yempre, nag-one plus one na agad ang ibang faney. Buntis ba si Maine? ‘Yan agad ang tanong nila!

Pero kahapon nga, sa ope­ning ng isa pang bagong negosyo ni Maine, makikita ang whole body video niya, at yes, maimpis naman ang tiyan niya.

Sabi nga, baka guni-guni lang ng mga delusyunal na mga fan ‘yon, na wish na nilang ma-preggy ang kanilang idolo.

Pero, ­knowing “Eat Bulaga” nga kasi, na habang live sila, sangkatutak na pagkain ang makikita mo sa dres­sing room, pantry nila. ‘Yon nga ang hilig ng mga host ng “Eat Bulaga”, na habang nagtatrabaho sila, lumalafang sila, at hindi lang basta-basta lafang, dahil sangkatutak na foods talaga, ha!

Kaya sabi ni gohetiamary: “parang wala naman po umbok un tummy ni Menggay ngaun bakit sa EB nitong mga nakaraan araw bumubukol tiyan niya ibig savihin busog na busog lng cia non.”

Sey naman ni aranzaarlene: “Ung iba nman kc nagsasabi na buntis c Meng…o ayan asan na…nanganak na?”

Kaaliw, ‘di ba? Parang feeling ko, very 80s pa rin ang dating ng showbiz, na kapag medyo tumaba ang isang babae, buntis agad ang iniisip nila. Na kapag pumayat naman, sasabihan agad na adik. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More