Una sa Balita

Maine tinulungan ang 587 pamilya

By
0 606

Nilabas na ang music video ng unang single ni Maine Mendoza, ang “Parang Kailan Lang” under Universal Records.

Nilabas ito ng 12:00 noon ngayong araw na ito. In two hours, naka-30,000 views na. Marami na rin agad ang views kung ikukumpara namin sa ibang artists dahil partida ay dalawang oras pa lang nang huli naming makita.

Sa isang banda, sa magandang ginagawa ni Maine ngayong panahon ng COVID-19, sigurado kaming marami ang magwi-wish at mananalangin na mag-hit talaga ang album niya.

Mas bongga pa si Maine kumpara sa ibang politiko, ‘no! In seven days of enhanced community quarantine, nakakakalap na siya ng 587,677.92 pesos at naipamigay na niya ito sa 587 families sa loob ng anim na araw sa pamamagitan ng G-Cash.

At kung may maganda rin kay Maine, may transparency. Pinost niya rin kung sino-sino ang nabigyan niya, Sinabi naman niya umpisa pa lang na ang magiging recipient ay yung mga umaasa lang sa daily wages nila, pero dahil sa COVID-19, nawalan pa ng pagkakakitaan.

Ang mga ito ay mga pedicab driver, jeep driver, bus driver, taxi driver, rider, barker, construction worker, street/market vendor at street sweeper.

At tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa niyang fundraising campaign at mga tutulungan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More