Una sa Balita

Maine talo na ni Alden sa paramihan ng endorsement

By
0 2,721

Kung kumukonti na ang mga endorsement ni Maine Mendoza ay dumarami at patuloy na nadadagdagan naman ang mga endorsement ni Alden Richards.

Well, hindi kaya dahil sa open letter ni Maine ‘yon? O dahil ayaw na rin yata niya na gumawa pa ng ibang project? Masaya na siya sa role niya sa Eat Bulaga as one of the hosts.

Si Alden naman ay patuloy at may bago na namang endorsement. Ito ay ang Cookie’s Peanut Butter na pag-aari ng ka-probinsiya niya na sina Cookie Yatco at Joy Abalos-Yatco. Nagsimula raw ang paggawa nila ng peanut butter para personal consumption lang at pangregalo hanggang sa marami na ang nagre-request.

Kaya ninegosyo na nila at para sumikat at ma-boost ang produkto nationwide ay kinaila­ngan nila ng isang sikat na magiging brand ambassador.

Siyempre lalayo pa ba sila, kaya si Alden na kalapit-bayan nila ang kinuha nila. Bukod sa mabait ay madali pang kausapin at very accommodating.

Rocco Nacino nangalap ng dugo para sa mga batang may cancer

Nakasanayan na ni Rocco Nacino na magkaroon ng charity event tuwing birthday niya, pero kakaiba ang experience niya ngayong taon. Kuwento ng aktor, ang unang plano raw ay manonood siya ng Eat Bulaga kasama ang mga batang cancer patients ng Bahay Aruga at PGH Pedia Oncology Ward.

Sa kasamaang palad, namatay ang dalawang batang dapat ay kasama niya dahil hindi sila nabigyan ng dugo. Dahil sa nakakalungkot na nangyari, napagdesisyunan ni Rocco na magdaos ng isang bloodletting event nitong nakaraang Sabado (March 17) sa kanyang Rufo’s restaurant.

Ang mga batang cancer patients ng Bahay Aruga at PGH Pedia Oncology Ward ang beneficiaries. March 21 ang totoong kaarawan ng aktor, at masaya siya at napakalaking fulfillment para sa kanya ang makatulong sa mga batang nangangaila­ngan.

Samantala, mapapanood si Rocco sa upcoming concert na Oh, Boy! & Oh, LOL! concert kasama ang mga fellow Kapuso heartthrobs na sina Derrick Monasterio, Dave Bornea, Jak Roberto at come­dians Donita Nose and Super Tekla. Gaganapin ito sa May18 sa Music Museum. For tickets, bisitahin lamang ang https://www.ticketworld.com.ph.

Andre Paras ayaw ilantad ang dyowa

Naikuwento ni Andre Paras na malaki ang suportang natatanggap nilang magkapatid mula sa amang si Benjie Paras kahit na magkaiba ang career nila. Mas focus si Andre sa pag-arte, samantalang basketball naman ang tinututukan ng kapatid na si Kobe.

Ayon sa Sherlock Jr. star, kapag nahihirapan daw sila ay laging nandyan ang ama para ipaalala sa kanila na ‘it’s just a bad day, not a bad career,’ at ine-encourage sila na ibaling ang atensyon sa mga mas positibong bagay. Kaya naman, lagi daw motivated si Andre to work harder lalo na sa mga bagay na passionate siya.

Teka wala yata akong nababalitaan sa lovelife ni Andre. May nakita ako sa IG kailan lang na may kaakbay siyang girl. Sino kaya ‘yun?