Una sa Balita

Maine super suporta kay Alden

By
0 2,246

Nakapalitan namin ng message ang Pambansang Bae pagkatapos na umere ang pilot episode ng Victor Magtanggol. Sa totoo lang, hindi na nga kami nag-e-expect na makakapag-reply pa siya dahil sa nakikita na lang namin publicly sa social media na mga sumuporta sa kanya.

Sinusulat namin ‘to, wala pa kaming ideya kung ano ang natamong rating ng pilot episode, pero given na subok na malakas ang katapat, napaka-positive na talaga ng suportang tinanggap ng V.M. na alam naman ng lahat na mainly because of Alden.

Mula sa kasabay na pagdiriwang ng ika-39th anniversary ng Eat Bulaga, ang suporta na natanggap ni Alden ay ‘di biro. Halos lahat yata ng Kapuso ay nag-post sa kanya-kanyang social media para i-promote ang V.M.

Even the Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay dalawang beses nag-tweet na tila tinutukan talaga ang bagong serye ni Alden. Si­yempre, very grateful naman dito si Alden.

At ang pasabog at hinihintay ng lahat, ang post of support ni Maine Mendoza. At ang reply ni Alden sa post ni Maine na nagpakilig sa AlDub.

Napaka-positive ng pilot ng Victor Magtanggol na humamig ng mahigit isang milyon ang tweet kaya nag-top 1 Philippine trending. At siguro nga, ‘yung positivity na ito ay magta-transcend na rin hanggang sa ilang hindi pa masaya sa mga individual project nina Alden at Maine at in-turn ay isa na rin sila sa susuporta.