Una sa Balita

Maine super chika sa mga modelo sa New York Fashion Week

0 669

abante-i-know-better-jun-nardoPersona­lized eyeshadow palette ang isa sa nilikha ni Maine Mendoza habang nasa MAC Pro Store sa New York City. Sa Instagram ng global brand ng cosmetics, ipinasilip nito kung paano ito ginawa ng Phenomenal Star.

Pero dalawang piraso lang ang perso­nalized eyeshadow na ginawa ni Meng. Isa para sa kanya at ‘yung isa ay para sa client ng cosmetics.

Ayon pa sa caption sa IG ng cosme­tics, ang isang taong pagbibigyan ng naturang eyeshadow ay iaanunsyo ng MacCosme­ticsPH basta sundin lang ang instructions na inilabas. Ilalabas ang winner sa February 15 sa pamamagitan ng IG stories nila.

Samantala, bukod sa sariling pictorial sa NYC,  nanood din si Meng ng New York Fashion Week at nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa backstage at nakahalubilo ng mga tampok na mo­delo na abalang-abala sa pag-aayos ng sarili bago rumampa, huh!

Promise ng cosmetics brand, ang ilalabas nilang bagong collaboration with Maine, “will excite Filipinos of all shades, genders and ages!”

Inspirasyon si Patricia

Ibinahagi sa sinulat na libro ni Doc Rob Walcher, asawa ni Patricia Javier, ang limang dapat gawin ng mga tao para maging consistent sa pagi­ging healthy. Ito ay ang “Doc Rob’s Guide to Better Health & Wellness,” na nagkaroon ng book launch last week.

Ayon kay Doc Rob, na-inspire siya sa tanong sa kanya ng mga tao kung paano mapanatili ang maging healthy kaya nagawa niyang magsulat ng libro.

Base sa sinulat niya, ang  five steps para sa happier, healthier life ay 1) Choose chiropractic care; 2) Exercise; 3) Watch what you eat; 4) Sleep well; 5) Think positive.

Nagsilbi namang inspirasyon ni Doc Rob si Patricia habang sinusulat ang book.

“I would wake at one in the morning at the computer figuring out what pictures to use, lay out and everything. Without her, none of this is possible!” saad ni Doc Rob.

Dumalo rin sa book launch sina Ara Mina at Gladys Reyes na bukod sa kaibigan ni Patricia eh, regular client din ni Doc Rob sa chiro clinic niya.