Una sa Balita

Maine ‘Star of the Night’ sa MOA fashion show

By
0 29

Nasukat sa fashion show ng Bench ang popularidad ng mga artista, base sa reaksyon ng manonood nang maglakad sila sa massive stage ng Mall of Asia Arena.

Naghiyawan ang mga tao at malakas na palakpakan ang ibinigay nila kina Richard Gutierrez, Maine Mendoza, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Domi­nic Roque, Winwyn Marquez at ang World’s Hottest Math Teacher at Italian model na si Pietro Boselli.

Hindi maipagkakaila na si Maine ang Star of the Night dahil sa audience­ pandemonium sa grand entrance niya. Pinuri ang kind gesture at pagiging gentleman ni Richard nang kunin­ niya ang kamay ni Maine para gumitna ito sa stage.