Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maine sobrang stress, problemado sa pagtulog

0 140

Tulad ng ibang ordinaryong tao, problemang malaki rin kay Maine Mendoza ang pagtulog.

Binahagi ni Maine sa mga Twitter follower niya ang nararanasang hirap bago makatulog.

Sa tweet ni Maine, makikita na alas-4:23 ng madaling araw ay gising na gising pa ito.

“Still up!!! Ughhh i’m having trouble sleeping recently, idk why but it’s really stressing me out,” tweet ni Maine.

Kuwento pa ng aktres, hindi lamang ngayong Sabado kundi pati sa mga nakaraang araw ay nahihirapan na siyang matulog.

“The other day i was awake for 36 hours straight and mukhang mangyayari ulit today. Melatonin didn’t work,” dagdag pa ni Maine.

Sa comment section naman ay bumuhos ang mga kwento ng mga netizen na pareho din ang karanasan kay Maine. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.