Una sa Balita

Maine out sa ‘Mytho’ ni Alden

By
0 5,402

Bumisita si Alden Richards sa mga executive ng GMA Entertainment Content Group noong isang araw. Natuwa naman ang grupo na kahit gaano ka-hectic ang sked ng Pambansang Bae ay nagagawa niyang dumalaw.

Hindi pa raw talaga nakakalimot ang aktor na dalawin ang mga taong sumusuporta sa kanyang career simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. Isa ‘yan sa kinahahangaan namin kay Alden na laging hindi nakakalimot at lumilingon sa kanyang pinagdaanan at sa mga taong tumulong sa kanya.

Abala na rin si Alden ngayon sa paghahanda sa bago niyang teleserye na may working title na Mytho. Hindi pa malinaw sa amin ang story ng nasabing teleserye pero mga batikang artista ang makakasama niya rito. Hindi nga si Maine ang kasama niya sa teleserye na ‘yan. Magsisimula na siyang mag-training bilang sa paghahanda sa mga eksena niya rito.

Naging abala rin si Alden sa workshop with New York based Anthony Bova na kinuha ng GMA. Si Mr. Bova rin ang nagwo-workshop sa iba’t ibang famous actors sa Amerika.

Kasalukuyang nasa bansa siya ngayon at ito na ang pangalawang workshop dito. Rigid ang workshop niya sa mga GMA Artists.

John Estrada Kapuso na

Samantala, makakasama naman sa teleserye ni Alden si John Estrada na tinanggap ang role niya sa Mytho. Nahahanay na sa mga senior star si John na puwedeng magtrabaho sa iba’t ibang network gaya ni Janice de Belen.

Kaya ‘wag kayong magulat kung biglang magkasama sa isang project ang mag-amang John at Inah de Belen.

Zoren Legaspi bawal na sa Kapamilya

Mukhang permanente na ngang magiging Kapuso Talent si Zoren Legaspi. Balita namin ay pipirma ito sa GMA Artist Center anytime at balita namin na kampante siya na makatrabaho ang mga artista ng GMA 7.

Alam naman ng lahat na bukod sa pagiging aktor ay director din si Zoren at madalas Direk ang tawag sa kanya ng mga taga-GMA.

Well, once na pumirma na nga si Zoren, bawal na siyang lumabas sa Kapamilya network, ha!

Ruru, Glaiza mainit na tinanggap sa Panagbenga

Mainit na tinanggap ng mga residente at turista sa Baguio ang grupo ng mga Kapuso star sa katatapos na Panabenga Festivals doon noong Linggo. Sa mga picture na na-post sa mga social media ay kitang-kita ang mainit na hiyawan ng mga tao habang nagdadaan ang GMA Float na sinasakyan nina Ruru Madrid, Matt Evans for Sherlock Jr, Mikael Daez, Mega Young for The Step Daughters, Glaiza de Castro at Jak Roberto for Conteza. Wala naman naging untoward incidents sa parada at nag-enjoy ang lahat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy