Una sa Balita

Maine puring-puri ng international designer

By
0 196

Pinuri ng international designer na si Michael Cinco si Maine Mendoza sa gawa nitong damit na isi­nuot ng Phenomenal Star sa premiere issue ng online publication na Rank Magazine.

Inilahad ng Dubai-based designer ang tuwa niya sa pagsuot nito sa isa sa kanyang creations nitong nakaraang araw sa Instagram.

“The very beautiful phenomenal star MAINE MENDOZA @mainedcm wears a stunning couture lace dress with heavy embroidery on top for RANK magazine editorials…” bahagi ng caption ni Cinco.

Sinegundahan naman ng ilang netizens ang papuri na ‘yon ni Cinco na impressed din sa ­OOTD ng idolo sa fa­shion shoot.

Samantala, abangers na ang Al-Dub Nation sa book signing ni Meng na Yup, I Am That Girl sa isang mall sa QC. Ngayong Sabado naman sa Eat Bu­laga, mapapanood na ang telemovie nila ni Alden Richards na Love Is… bilang handog sa u­nang anibersaryo ng ‘kasal’ ng dalawa at second year naman ng selebrasyon ng Tamang Panahon mula sa KalyeSerye ng noontime show.

Carmi all-out sa kalandian
Beauty agaw-eksena kina Zsa Zsa, Carmi

Beauty Gonzales

Kumawala nang ­todo-todo sa pagpapatawa at pagpapakabaliw sina Ai Ai delas Alas, Carmi Martin, Beauty Gonzales at Zsa Zsa Padilla sa pelikulang Bes and the Beshies. Hagalpakan with matching palak­pakan ang pinakawalan ng audience na nanood ng premiere last Tuesday sa Cinema 3 ng SM Megamall bilang patunay na solved na solved sila sa lahat ng eksena ng mga bida.

Ibang-iba ang look ni Ai Ai sa simula ng Joel La­mangan movie na nag-evolve sa pagiging Manileña na naging barangay kagawad nang layasan ng kanyang greatest love (Allan Paule). Pero lutang na lutang pa rin ang husay niya dahil sa iba’t ibang klase ng pagpapatawa niya lalo na nang matuklasan niya ang lihim ng lalaking minahal at anak.

Bisayang martir naman ang role ni Zsa Zsa na ang galing-galing din sa kanyang hugot lines na kuwelang-kuwelang ang dating! Consistent ang pagkakaroon niya ng punto kaya pinalakpakan talaga ang performance niya.

Kabit naman ng isang general si Carmi na hopia na mabuntis para hindi siya iwan ng benefactor niya. Walang pakundangan ang aktres kahit na super-landi ng kanyang mga eksena, huh!

Nakaw-eksena naman si Beauty bilang isang byukonera (mahilig sumali sa lahat ng beauty contest). Kahit na ­mura sa binibitawang dayalog, aliw naman ang pagbanggit niya nito at hindi offensive.

Winner din ang moment ni Sancho delas Alas na lumabas na boyfriend ni Beauty. Mula sa pagiging speechless eh kumawala na rin siya sa kanyang moment!

Non-stop entertainment ang ­hatid ng BATB mula simula hanggang wakas. Lumutang ang galing ni Ai Ai nang matuklasan na ang itinatago ng anak. Pero sa ending, isang surprise newcomer ang magiging ending ni Ai Ai sa altar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy