Una sa Balita

Maine pinalalayo sa ‘dirty finger’ ni Juancho

By
0 2,891

Kahit nag-sorry na si Juancho Trivino dahil sa video na kumalat kung saan kinunan ng babaeng kasama niya ang poster ni Alden Richards at nag-dialogue ang kumukuha ng, ‘Migo, nandito si Alden…’ at nang itinutok nito ang camera kay Juancho ay nag-dirty finger ang binata sa magkabilang kamay niya at tawa nang tawa ang kumukuha ng video na ‘yon, still, galit na galit pa rin ang mga fan ni Alden.

Sabi ng isang fan ni Alden na nagpadala sa akin ng video na ‘yon, “Sobrang inggit n’yo kay Alden, kaya nagiging bastos na kayo! Walang modo!”

Ang fan din na ‘yon ang nagpadala sa akin ng pinost ni Juancho na apology sa Instagram account (@juanchotrivino) ng binata.

Sabi ng fan ni Alden na nakausap ko, kahit pa nag-sorry na si Juancho, “The damage has been done!”

May nag-post nga raw sa social media ng nasabing video at binura rin kaagad, pero ang ibang mga fan ni Alden, mabilis at na-grab kaagad ang video na ‘yon.

So, ngayon, sobrang kinukuyog ng Alden fans sa social media si Juancho.

Ang iba sa kanila, kinakalampag pa ang GMA Network, Inc. management tungkol sa bagay na ito at kailangan daw may action na gawin sa kalapastanganan ni Juancho kay Alden, ‘noh?!

Ang nakakaloka pa, ang ibang mga fan, napansin ‘yung pagiging sobrang close ni Juancho kay Maine Mendoza na ka-loveteam ni Alden, kaya dapat daw pagsabihan din ng dalaga ang kaibigan. Na iwasan na si Juancho dahil ganu’n nga raw pala ito kabastos! Ang iba ay inuutusan talaga si Maine na lumayo at huwag dumikit sa ‘dirty finger’ ni Juancho, ha!

Ano kaya ang reaction ni Maine sa bagay na ito?

Well…

Aktres super iyak dahil sa katabaan

Naaliw ako sa kuwento tungkol sa isang actress/product endorser. Sa isang out-of-town event daw, iyak siya nang iyak dahil sa mga issue sa kanya.

Inusisa pa raw niya ang isang designer kung talaga bang mataba siya dahil ‘yon ang palaging sinasabi ng iba.

“No naman, you’re not mataba, chubby ka lang!” sey raw ni designer na lalong ikinaiyak ni actress/product endorser.

‘Yung ibang mga tinanong naman daw ni actress/product endorser kung mataba siya, sinasabihan siyang huwag kasi siyang tabi nang tabi kay Lovi Poe sa mga picture dahil sa kaseksihan ng The One That Got Away star, nagiging obvious tuloy na lumaki nga siya!

Ang ibang mga nasa out-of-town event na ‘yon, naaliw na rin sa actress/product endor­ser sa tuwing nagtatanong siya kung mataba nga ba siya.

Pero mukhang seryoso naman si actress/product endorser sa pagpapapayat niya dahil after naman ng out of town event na ‘yon ay madalas na siyang pumunta sa isang beauty clinic para magpa-body treatment at balitang nagda-diet and exercise na rin siya, huh!