Una sa Balita

Maine, pilit inili-link kay Wally!

By
0 23

Mara­mi ang nagpapayo kay Maine Mendoza na kasuhan ang mga bashers na gumagawa ng fake news, at ito nga `yung pilit siyang inili-link kay Wally Bayola.

Naloka nga ang mga followers ni Maine nu’ng may mga nagsulputang comments sa mismong Instagram wall ni Maine, na pilit ngang iniuugnay ang dalaga kay Wally, ha!

namamangka

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Eh, ang ganda-ganda pa naman ni Maine sa photo na `yon, na kuha sa Biliran, kung saan nagsu-shoot siya para sa coronation night ng Miss Millennial ng Eat Bulaga.

Heto nga ang isang basher ni Maine, na lahat na yata ng followers ni Maine ay sinagot niya, at binuwisit niya.

misery.32 “Yung mga fans ni Maine umaasa pa kina Alden, Jake at Sef, eh hahahhhhhahha dapat proud kayo na nahanap nga ng idol Maine nyo ang lalake na para sa kanya si Mang Wally na cute, gentleman caring at nakakatawa.”

Sample pa lang ‘yan ng mga banat ng isa sa mga bashers ni Maine, at sa totoo lang, ang iba pa niyang tsika ay mahirap na ring masikmura.

Pero siyempre, hindi pinababayaan si Maine ng mga fans niya. Laban kung laban sila sa mga bashers ni Maine, na parang paiba-iba lang ang pangalan, at ang purpose lang talaga nila sa buhay ay wasakin si Maine, na mahirap namang mangyari, dahil habang tumatagal, mas lalo ngang minamahal ang dalaga ng kanyang mga fans.

Sabi ni azilerose “@mainedcm still beautiful inside and out. Jealous and miserable people are just pathetic ones they continue to throw rocks on tree that have many fruits. @misery.32 ni wala ka ngang picture eh.

Wally Bayola
Wally Bayola

Maybe bec you look like SHREK AND DONKEY pati utak mo at asal mukha na mas masahol pa sa mga mabaho at panget sa mundo.

If you don’t want to judge by others wag ka mag-judge ng iba na hindi mo kilala or maybe bec lahat ng ipinaparatang mo sa iba ay syang nagde-describe sayo. How unfortunate dun ka nalang nabawi. Kawawa ka naman hahaha.”

Heto naman ang hirit ni mpazinfantado “@misery.32 kaso nasa EB c Wally pahiya ka jusko magdasal ka naman para magkaron ka naman ng kagandahang asal.”

Well, sabi nga ng isang sikat na aktres, kaya lang naman bina-bash ang isang artista, dahil sikat pa rin talaga siya. Kung wala nang mamba-bash sa kanya, hindi na siya sikat.