Una sa Balita

Maine napasubo sa bugbugan sa ‘Lola’

By
0 825

Tuloy-tuloy pa rin ang buhay ni Laura Patola, ang sikat na karakter ni Maine Mendoza na napapanood tuwing Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7.

Muli ngang ikinuweto ni Lola Goreng ang pangyayari sa buhay ni Laura at ni Dwending.

Nakahanap na nga ng makakatulong sina Laura at Dwending sa katauhan ni Gab the Goblin! At matapos nga ang mahabang deliberasyon, pumayag na sina Laure at Dwending na makipagtulungan kay Gab.

Hinanap nila sina Nitoy and Junjun na patuloy sa kanilang pagnanakaw. Pero bigo sila sa unang pagtatagpo nila. Ang plan B ni Gab, magpanggap na mayaman sina Laura and Dwending para mahuli sina Nitoy and Junjun. At dahil doon na-corner nila ang magkapatid, at sina Laura and Dwending ay nabigkas ang mga salita na makakapagpahinga sa power ni Nitoy, habang nilalabanan siya ni Gab. Hindi rin kinaya ni Junjun ang lakas nina Laura and Dwending.

At ‘yun na nga, finally, the trio defeats the brothers! Gab gets Dwending’s cap… but something unexpected happens. He refuses to give it to Dwending! Gab is revealed to be a villain!

Oh, ‘di ba? May panibago na namang kalaban sina Laura at Dwending, si Gab. Mukhang mapapasubo na talaga si Maine sa matitinding bugbugan, ha! ()