Una sa Balita

Maine nagwala sa party

0 646

Lokang-loka ang mga fan sa kumalat na video ni Maine Mendoza na kasama si Arjo Atayde, na makikita nga na tumotodo-todo sayaw sila. Sabi nga, parang sila lang ang tao sa party na ‘yon, dahil sobrang harot talaga ng sayaw nila.

Well, naganap nga ang party na ‘yon sa launching ikalawang own custom lipstick ni Maine sa MAC Cosmetics.

Ang bongga nga ni Maine dahil bukod sa nag-iisang Pinay siya na napili, siya rin ang only influencer na based sa Asia, ha! At sobrang tagumpay agad ang limited-edition lipstick launched niya na muted peachy beige shade, dahil talagang naubusan ng stocks, at marami p ang gustong bumili.

At ngayong 2020, dumating na ang latest release ni Maine sa MAC Cosmetics.
Bale two-piece collection ito na inspired ng female strength and empowerment.

Pero, ‘yon na nga, matapos ang launching ay nagkaroon ng #MaineMacMakerNight kung saan game na game na nagsayaw si Maine kasama si Arjo, at pati na ang ilang kababaihan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More