Una sa Balita

Maine nagpaka-fangirl kay Kim

By
0 108

Naging sulit ang naging bakasyon ng former teen star ng ‘90s na si Kim delos Santos.

Matagal na nanirahan sa Amerika si Kim at nagtatrabaho na siya ngayon bilang isang licensed vocational nurse. Huli siyang umuwi ng Pilipinas at noong 2011 noong um-attend ito ng kasal ng kapatid na babae ni Dingdong Dantes.

Maraming fans ni Kim, mula noong nagsimula ito bilang teen star sa mga ‘90s teen show na TGIS at Anna Karenina, ang natuwa dahil nagkaroon ito agad ng selfie kasama ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza noong bumisita ito sa studio ng Eat Bulaga.

Nagpaka-fangirl si Maine nang makita na nito ng personal ang kanyang paborito noong bata pa siya na si Kim. Aminado si Maine na isa siya sa mga kinikilig sa pelikula nila Kim at ng ka-loveteam nitong si Dino Guevarra na Ikaw Lamang.

Hindi naman daw inasahan ni Kim na gano’n ang magiging turnout ng pag-meet niya kay Maine dahil isa rin siyang AlDub fan. Natuwa lang ang former teen star na marami pa rin ang nakakakilala sa kanya.

Hanggang August 10 ang bakasyon ni Kim sa Pilipinas at nagpaplano raw sila ng isang reunion ng mga kasamahan niya sa TGIS at Anna Karenina.

Bagama’t mga busy, nandito naman sa Pilipinas sina Dingdong Dantes, Polo Ravales, Sunshine Dizon, Antoinette Taus, Tanya Garcia at Anne Curtis.

Siguro ay mapagbibigyan nila na maka-reunion si Kim dahil ilang taon din itong nawala sa bansa.

Nasa 30’s na ang mga dating teen stars ng ‘90s at magandang balikan ang mga pinagsamahan nilang mga TV show at pelikula noon, kasama na rito ang Honey, My Love, So Sweet at Kiss Mo ‘Ko.

Zoren excited sa  bagong rom-com show

Masayang binalita ni Zoren Legaspi na makakasama siya sa cast ng GMA-7 primetime teleserye na I Heart Davao.

Huling napanood si Zoren bilang si Bathalang Emre sa Encantadia.

“I was in Batanes at that time. Mahirap ang communication but I said, ‘You know, it’s a good show. Kung ano man ang role ko, sige, okay na.

“Matagal na rin akong hindi nakagawa ng isang romantic-comedy na teleserye. Kaya excited ako to start working on I Heart Davao,” diin pa ni Zoren.

Noong nakaraang Sunday, napanood si Zoren kasama ang pamilya niya sa travel-reality show ng GMA NewsTV na Road Trip. Iyon daw ang first time na magkakasama silang buong pamilya sa isang maganda at nakakatuwang documentary ng pagbisita nila sa Batanes.

“The reason why I said yes, it’s about time. I guess I owe it to the audience kasi dati nakikita nila maliit pa lang sina Mavy at Casy.

“Sabi ko, para makilala nila ang kambal, and at the same time, makita din ng audience kung gaano kasaya ang Legaspi family kapag nagta-travel.”

Open din daw si Zoren na bumalik sa pagdidirek ng TV show. Ilang taon din siyang naging resident director ng GMA-7 at ang mga shows na hinawakan niya ay Fantastik Man, Fantastikids at naging second unit director siya ng Atlantika.

Super Tekla bigyan kaya ng chance sa Sunday PinaSaya?

Super Tekla
Super Tekla

Kahit na wala na sa Wowowin si Super Tekla, nagsunud-sunod naman ang guestings niya sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

Nitong nakaraang Sunday ay patok na patok si Super Tekla bilang si Mocha-Mo Huston (isang spoof kay Mocha Uson) sa segment ng Sunday PinaSaya na Magtanong Kay Dugong.

Maraming netizens ang tawang-tawa sa mga hirit ni Super Tekla bilang si Mocha-Mo, dahil pati ang paghawi ng mahabang buhok ni Mocha ay kuhang-kuha niya.

Isa sa nakakatawang dialogue ni Mocha-Mo ay nang sabihin nito na maganda raw siyang tingnan sa TV, pero i-check daw ang TV dahil baka sira ito.

Nakakatawa rin na tuwing babanggitin ni Dugong ang salitang “mangkukulam” ay tumitingin ito agad kay Mocha-Mo.

Marami ang gustong ma­ging regular na si Super Tekla sa Sunday PinaSaya dahil sa natural nitong pagpapatawa. At bagay daw siya roon dahil magagaling na kome­dyante ang makakasama nito tulad nila Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Gladys Guevarra, Pekto at Boobsie Wonderland.

Inamin ni Super Tekla na labis siyang na-depress noong matanggal siya sa Wowowin dahil ‘di umano sa issue nang paggamit ng droga at pagsusugal.

Pero mukhang mabibigyan ulit ng chance si Super Tekla na makabawi dahil sa paglabas-labas niya sa ibang shows ng GMA-7.

Ben Affleck pa rin as Batman

Kinumpirma ng Hollywood actor na si Ben Affleck na siya pa rin ang gaganap na Batman sa sisimulan na pelikulang The Batman ng film director na si Matt Reeves.

Si Matt Reeves ang director ng Dawn Of The Pla­net Of The Apes at War For The Planet Of The Apes.

Sa naganap na San Diego Comic-Con 2017, nagsalita na si Affleck tungkol sa rumors na last Batman role na niya ang paglabas sa pelikulang Justice League.

“I know, let me be very clear. I am the luckiest guy in the world. Batman is the coolest f–king part in any universe it’s just incredible. I am so thrilled to do it.

“It’s f–king amazing and I still can’t believe it after two films…Matt Reeves doing it, I would be a fucking ape on the ground for Matt Reeves let alone Batman.

“It’s a great time in the Justice League universe and I’m really excited for what we have.

“I mean this is amazing. This is an amazing and the first time when everyone had their costumes on and when we were on set it was very much a high geek level…it was electrifying.”

Ayon pa sa Warner Bros. Pictures: “We are working on plans to usher out Affleck’s Batman—gracefully, addressing the change in some shape or form in one of the upcoming DC films.

“Ben is our Batman. We love him as Batman. We want to keep him in the cowl as long as we can.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy