Una sa Balita

Maine Mendoza, Ryan Agoncillo tinangkang gamitin sa pagnanakaw ng datung

0 698

DAY 6 na nang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Metro Manila at Luzon.

Nabaling ang count down sa pagbibilang ng araw hanggang sa April 14 na dati ay sa showing ng pelikula o telecast ng bagong TV show nangyayari.

News programs ang mga bida sa lockdown dahil reruns ng lumang series ang pinalalabas ng network. Kaya ang social media ang libangan ng halos lahat.

Pero nagsisilbi namang medium ito nang walang magawa para maglabas ng fake news! Naglulutangan din ang mga poser na pumaparaan para manloko ng kapwa.

Eh nang magsagawa ng donation drive si Maine Mendoza para sa nawalan ng trabaho, lumutang ang isang poser gamit ang pangalan ni Ryan Agoncillo, huh!

Ang kapal ng mukha ng poser na naglabas ng umano’y number ni Meng sa G-Cash. Agad naman itong itinama ni Maine at sinabing fraud ang tweet.

Aba, walang kaluluwa ang mga ‘yan na gusto pang gamitin sa kalokohan ang pagtulong ni Maine. Gusto nilang pagnakawan pa ang mga tao na magdu-donate at pangalan pa nina Maine at Ryan ang gusto nilang sirain.

Aba, mahiya naman kayo. Sa panahon ngayon na dapat ay pagtulong ang gawin niyo, ang panloloko pa rin ang nasa isip niyo, ha!

At this point in time, maraming humihingi ng donasyon pero maging maingat lang tayong lahat para ‘yung perang itutulong natin eh mapunta sa tamang tao!

Marami namang may ginintuang puso na duminig sa panawagan ni Maine. Naging transparent naman siya upang ipakita ang halaga ng ibinigay na donasyon minus the names of the donors.

Buryong na ang lahat kaya naman pati TikTok challenge, pinatulan na, huh!

Megan Young, Efren ‘Bata’ Reyes ginawan ng tsismis ni Mikael Daez

Aliw naman ang mga netizen sa ginawang pag-edit ni Mikael Daez sa litrato nila ng asawa niyang si Megan Young na magkayakap. Imbes kasi na mukha ni Mikael ay inedit niya ito at pinalitan ng mukha ng sikat na pool player na si Efren Bata Reyes na ayon sa kanya ay lolo raw talaga ni Megan.

Ang Instagram username kasi ni Megan ay @meganbata na Tagalog ng apelyido niyang Young.

“Because a lot of you are asking, ‘eto na po ang pruweba kung sino ang lolo ni @meganbata,” sabi ni Mikael sa kanyang caption.

Dagdag pa nito ay super sweet pa raw ng dalawa. Pahabol naman ni Mikael ay katuwaan lang daw ang litrato at may pasingit pa na nakakatuwang hashtag na #MasakitMatamaanNgBilliardBall.

Bumuhos naman nakakatawang comments ng netizens sa photo edit ni Mikael na tinanong pa ang Kapuso actor, “Bored ka na ba kuya? hahaha!”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More