Una sa Balita

Maine Mendoza, ninakawan uli ng halik ni Alden Richards!

0 194

Isang hindi malilimutan na araw ang naganap na #ALDUB1stAnniversary noong nakaraang Sabado sa Eat Bulaga.

Napuno ng tawa, iyak at kilig ang araw na iyon dahil na rin sa pagmamahal na pinaramdam ng pheno­menal loveteam sa kanilang mga supporters, ang AlDub Nation.

Sinariwa nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang nagdaang taon sa kanilang buhay bilang phenomenal stars ng Kalyeserye kunsaan una silang nagkakilala.

Marami ngang mga unforgettable na mga episodes ang Kalyeserye na nakatatak na sa lahat tulad ng plywood na humarang kina Alden at Maine sa unang pagkakataon na nagkita sila in person sa studio ng Eat Bulaga.

Ang unang date nila sa mansyon ni Lola Nidora kunsaan naganap ang u­nang selfie nilang dalawa.

Hindi rin malilimutan ang pag-kidnap kay Yaya Dub ng apo ni Lola Nidora na si Duhrizz dahil sa matinding selos nito.

At siyempre, walang makakatalo sa pinakamalaking event na Sa Tamang Panahon na ginanap sa Philippine Arena kunsaan naging opisyal na ang pagkakakilala nilang dalawa at naitala pa sa Twitter world’s records na “most twee­ted hashtag in 24 hours” ang #AlDubEBTamangPanahon with 41 million tweets.

Niregaluhan din ni Lola Nidora (Wally Bayola) sina Alden at Maine ng isang kandado o love lock na may nakaukit na “July 16, 2016” na date. Ito ang patunay na kasing tibay ng naturang lock ang pagmamahal ng dalawa. Nagpamigay din si Lola Nidora ng naturang kandado sa mga fans na nasa loob ng studio.

Siniwalat din ni Lola Nidora na ang tunay na pangalan ni Yaya Dub ay Maine Mendoza. Ito ang nakaburda sa baby dress nito noong kupkupin siya nito para itago. Binigyan siya ng pangalan na Di­vina Ursula Bukbukova Smash para hindi siya matunton sa mansyon ng tunay nitong ama na si Dodong Smash.

Marami ang umasa na babalik si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa first anniversary ng Kalyeserye. Pero bigo ang lahat ng walang Lola Tidora na lumabas noong magkaroon ng special number ang mga characters ng Kalyeserye.

Nagpalitan naman ng kanilang special messa­ges sina Alden at Maine sa isa’t isa. Sey ni Maine na kahit ano pa ang mangyari, may special spot si Alden sa puso niya ay hindi ito mawawala.

Sey naman ni Alden na hinding-hindi niya pababayaan si Maine habang nandiyan siya.

Hindi nga nakawala ang dalawa sa hiling na kiss ng mga fans at ng mga host ng Eat Bulaga. Muli ay nanakawan na naman ng halik ni Alden si Maine sa lips na ikinakilig ng marami.

Nag-post pa si Maine ng isang emotional message para kay Alden sa kanyang Instagram account.

Heto ang kanyang pinost:

“Meeting you was fate; it was wonderful, it was miraculous, it was extraordinary and indeed sweet serendipity. For some, it was nothing but luck and plain coincidence; but for me it was something revelatory about the notion that miracles like this do exist.

“God made our story extra special; He let everybody witness every single thing from the very beginning. It was something unexplainable. I glanced and smiled at you and all I could do was wonder how did that simple smile changed both our worlds. It changed everything–it changed us.

“What happened on the 16th day of July 2015 will live on in people’s hearts until the end of time. We might not know what the future holds but you should know that no matter what happens, you already have this special place in my heart.

“And I want you to know that even if we end up being together or not, that spot is yours–forever.

“Happy first anniversary, @aldenrichards02. Thank you for everything.”

Kim Domingo, magpapasilip sa 100 Sexiest
Women of the World Victory Party!

Umamin na rin ang dating StarStruck finalist na si Prince Stefan na may dine-date siyang lalake ngayon.

Maraming netizens ang nakapansin sa mga post ni Prince sa Instagram na kasama niya ay isang lalake na nagngangalang Paolo Amores.

“Beb” ang tawag niya kay Paolo at very sweet ang mga photos nilang dalawa na nasa gym sila, kumakain sa restaurant, magbakasyon sa ibang bansa at mag-shopping.

Never pa kasing nali-link si Prince sa sinumang babae at walang balitang may nililigawan siya.

May tsismis na noon tungkol sa kanyang sexual preference pero tahimik lang si Prince sa issue na ito tungkol sa kanyang pagkatao.

Ngayon ay ready na nga si Prince na ipagmalaki kung ano talaga siya.

Tungkol naman sa kanyang “Beb”, matagal na raw niya itong kaibigan at kelan lang sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding kaya nagkadebelopan na sila.

Pero wala pa raw commitment na namamagitan sa kanilang dalawa. Ang importante raw ay masaya silang dalawa kapag magkasama sila.

Maraming natuwang netizens para kay Prince. Mabuti pa raw ito at malaya nang maging masaya sa buhay niya. Hindi tulad daw ng ibang aktor na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa loob ng kanilang closet at natatakot na ipakita ang tunay nilang kasarian.

kim-domingo
Kim Domingo

Kinumpirma ng tinatawag ngayon na Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo na rarampa siya sa 100 Sexiest Women of the World Victory Party ng FHM Philippines.

Nakapasok nga sa Top 10 at 9th place si Kim. First time niyang makapasok sa FHM Top 100 list at mataas agad ang naging rank niya.

Noon pa raw dream ni Kim ang makarampa sa FHM at tuwang-tuwa ito nang makatanggap na siya ng imbitasyon para makasali sa victory party.

Kaya nagsimula ng mag-diet si Kim para mas lumitaw ang alindog niya sa gabing iyon.

“As a first timer, number nine agad ang spot ko sa FHM, so thank you! Sobrang thank you sa inyo.

“Tinanggal ko ‘yung paborito ko, ‘yung rice! No rice, tapos medyo bawas din ng pagkain. Fish, gulay, tapos workout,” sey pa ni Kim.

Ayaw pang i-divulge ni Kim kung ano ang isusuot niya sa FHM victory party. Basta elegante daw ito pero may masisilip pa ring kaseksihan ng katawan niya.

“Parang gown, Pero may skin pa rin talaga. Aba­ngan na lang nila!” pagtapos pa ni Kim Domingo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More