Una sa Balita

Maine, KathNiel beso-beso sa awards night

0 560

abante-i-know-better-jun-nardoKabuwanan na ngayon ni Marian Rivera pero dumating pa rin siya sa Guillermo Mendoza Memorial Awards night nu’ng Linggo para tanggapin ang kanyang Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.

Maternity leave na si Yan sa kanyang trabaho pero dahil mahalaga ang award sa kanya, nagpaalam siya sa kanyang management para dumalo sa awards night.

Present din si Maine Mendoza para tanggapin ang kanyang Box-Office Queen Award. Agad namang nag-trending sa Twitter na gamit na hashtag ng fans niyang #boxofficequeen2019maine. Gandang-ganda na sila sa suot ni Meng na pant suit at ang speech niya ng pasasalamat sa producers ng “Jak Em Popoy” pati na ang nagpa-block screenings at hinakayat ang publiko na suportahan ang pelikulang Pilipino.

Nakita rin ang pagbebeso-beso nila nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla sa event na ‘yon, na ikinatuwa talaga ng mga netizen, fan.

‘EB Lenten Special’ sa Japan, HK, Myanmar kukunan

Kanya-kanyang destinasyon naman ang “Eat Bulaga” Dabarkads para sa taping ng EB Lenten Drama Specials after ng bakasyon nila sa Holy Land.

Unang nag-post si Allan K sa Instagram ng lokasyon ng taping niya – sa Japan – at kasama niya sa picture si Luane Dy na first time sa Japan.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, ang ibang Dabarkads naman ay sa Hong Kong at Myanmar ang taping pero wala pang post sa social media ang ibang Dabarkads kung saang bansa sila magtatrabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy