Una sa Balita

Maine, kahawig ang ‘naaksidenteng’ mukha ni Shaina!

By
0 6

Maraming fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang natuwa sa Kapamilya actress na si Shaina Magdayao dahil inamin nito na big fan siya ng Kalyeserye star na si Maine.

Lalong natuwa ang AlDub Nation nang manggaling pa mismo kay Shaina na gusto niyang makilala in person ang tinaguriang Dubsmash Queen. Gayun din si Maine na sana ay makilala rin niya si Shaina ­personally.

Marami nga nagsasabing magkahawig sina Maine at Shaina. Isang Sugod-Bahay winner nga ang nagsabi nito mismo kay Maine at sagot ­naman niya ay: “’Pag po naaksidente. Shaina na naaksidente!”

Nakarating nga ang sinabing ito ni Maine kay Shaina at natawa ito. Agad na nag-post sa kanyang social media account si Shaina para ­masabi niya kay Maine na marami na ang nagsabi sa kanya na magka­hawig silang dalawa.

“Pag naaksidente? Uy hindi namaaaan. I’m actually a fan 🙂 of your wit, humor and beauty. I actually get that too heehee so I guess it’s time that I say hellooooo or give a shout out to my kamukha, @mainedcm PS Thanks for tagging me #Repost @pqrsnoopy (via @repostapp) @mainedcm x @shaina_magdayao 🙂 #MaineMendoza #ShainaMagdayao #SugodBahay #Aldub.”