Una sa Balita

Maine at Juancho inilantad ang pagdi-date

By
0 4,689

Pagkatapos maki-chill sa bar ni Maine Mendoza kay Jake Ejercito, na naging ugat para magwala ang AlDub Nation noon, at naging rason ng paglabas ng open letter ng dalaga, kay Juancho Trivino naman siya nakipag-date nitong weekend.

Pero, ‘wag masyadong lagyan ng kulay, dahil bale birthday celebration ‘yon ng friend niyang si Sheena Halili, at imbitado si Juancho.

Magkakasama nga sina Maine, Sheena, at Juancho sa teleseryeng Destined To Be Yours sa GMA, kaya hindi na kataka-taka na may nabuong friendship sa kanilang tatlo, ha! Si Juancho ang ka-love triangle nina Alden Richards at Maine sa tele­serye na ‘yon.

Walang malisya! Fun, fun, fun lang talaga. At tawanang umaatikabo nga lang ang makikita sa boomerang style sa IG video nina Juancho at Sheena, pati na ni Maine.

Walang itinatago, kaya ‘wag nang gawing dahilan para magalit. Naku, hayaan niyong mag-enjoy ang idolo niyo, ‘no! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy