Una sa Balita

Maine, Jake E project kinontra ni Teddy Boy Locsin, Jr.

By
0 3,692

Nakahanap ng kakampi ang AlDub Nation (ADN) kay Teddy Boy Locsin, Jr. dahil sa tweet nitong si Alden Richards ang dapat na makasama ni Maine Mendoza sa pelikulang gagawin. Lumabas na alam ni Locsin ang sentiments ng ADN na sabik na sabik na sa Alden-Maine movie.

Pinakalat sa Twitter ng ilang netizens ang screen shot ng tweet ng journalist na aprubado ang tambalang Alden at Meng.

“It is not so much that the actor is really good though he must be that but he and Maine hit if off so the timing is perfect. Hard to get it right,” tweet ni Locsin, Jr.

Tumugon naman ang isang @drkchoc2. “I’m rooting for the next project to be w/ Alden. With those concerns off the list, the team could up the ante and come up w/ a masterpiece.”

“Has to be with Alden,” tweet pa ni Teddy Boy.

Sa ilang tweets ng ADN, nangangamba silang baka si Jake Ejercito ang ipareha kay Meng sa next project niya. Wala mang binanggit na pangalan sa reply niya sa obserbasyon ng isang netizen, obvious na kontra si Locsin sa idea na maging leading man ni Maine si Jake.

Ryza feeling belong sa Barretto clan?

Baby girl ang tawag ni Claudine Barretto kay Ryza Cenon sa picture nila sa Instagram na nakadamit ng Korean costume.

“Korean night with my baby girl @iamryzacenon @pocholobarretto,” caption ni Claudine.

Boyfriend ni Ryza ang kamag-anak ni Claudine na si Pocholo Barretto. Hindi naman asyumera ang Kapuso actress na porke BF niya si Pocholo eh, belong na belong na siya sa Barretto clan na nabanggit niya sa isang interview sa kanya.

Chill-chill lang si Ryza bilang GF ni Pocholo. Wala pa rin kasi sa plano nilang magpakasal na.

Ngayon lang kasi nakatikim ng magandang takbo ng career si Ryza dahil sa tagumpay ng kinabibilangang GMA afternoon drama na Ika-6 na Utos.

Sa nalalapit na pagtatapos ng IANU, tiyak na mahihirapan ang series na papalit dito na ma-duplicate ang success nito.