Una sa Balita

Maine is worth fighting for — Arjo

Ang haba ng hair ni Yaya Dub!

0 1,112

abante-paistaran-dondon-serminoPuring-puri si Arjo Atayde ng mga kasamahan niya sa digital series na “Bagman.” Kung pakikinggan mo ang mga chika nila sa performance ni Arjo, parang lumalabas na ang binata ni Sylvia Sanchez na ang pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan, ha!

At pagkatapos nga ng chikahan para sa “Bagman” (na mapapanood sa iWant), agad na kinuyog si Arjo ng mga manunulat. At mukhang ini-expect naman ni Arjo ‘yon, dahil hindi na siya nag-inarte na harapin ang media.

Siyempre, ang reaksiyon agad ni Arjo tungkol sa inilabas ni Maine Mendoza sa blog niya ang inungkat, lalo na sa pag-amin nito na “exclusively dating” na nga sila.

“That’s her decision. Wala po akong kinalaman doon,” sabi ni Arjo.

Pero, ano ang feeling niya na buong ningning na ipinangalandakan ni Maine ang sitwasyon nila? Na hindi na ito natakot sa maaaring reaksiyon, komento ng iba?

“Masaya po ako! Masaya po ako! I’ m content,” sagot niya.

Pero, ‘yun nga, umami nang sangkatutak na pamba-bash ang blog na ‘yon ni Maine. Kung ano-anong masasakit na salita nga ang ibinato sa kanya, at pati na kay Maine.

Pero sey ni Arjo, dedma lang siya sa mga maaanghang na paratang, akusasyon sa kanya ng mga fan nina Maine at Alden Richards.

“Opo. Because we’re both very happy. I mean, I am very-very happy. I think, that’s what matters now.”
Obyus nga na masaya si Arjo ngayon, hindi lang sa career, kundi sa lovelife niya.

“My personal life, happy ako. My career is ok. My family is fine. Kuntento ako. Masayang-masaya ako ngayon.”
So, puwede na bang sabihin na magdyowa na sila?

“Hindi pa. We’re exclusively dating. Ganun pa lang kami.”

Pero, ang maganda nga ngayon, mas free na sila na ipakita sa publiko kung ano ang meron sila, o kahit sa social media, nagagawa na nilang mag-post ng mga photo na magkasama sila.

“Yes, masaya having the freedom to post… doesn’t make us post even more… Kasi, I don’t think na basehan na…
“Pano ko ba sasabihin, na o may relationship, kaya post nang pag-post. We wanted private talaga. As much as we can. Hindi ko naman sinasabi na private or something…

“Basta sa amin, what you see is what you get na lang,” at nagpakawala ng pil­yong ngiti si Arjo.
Pero, ano ba ang sitwasyon kapag nagpo-post sila? Na kinakailangan bang ikonsulta nila sa isa’t isa kapag may ipo-post sila?
“We talk din naman. Normal.

“Kung pinag-uusapan namin na magpo-post kami? Sinasabi lang. Hindi naman nagpapaalam.”

Teka lang, para saan ba ‘yung photo nila na nag-viral kamakailan, na magkayakap sila at parehong masayang-masaya? Pictorial ba ‘yon sa isang project? O pang-personal ba nila?

“Hindi po. Ano lang. I visited her lang, then, I was given the opportunity na magpa-photo with her.”
Pero, kung may work na dapat ay magkasama sila ni Maine, open ba siya?

“Yeah, of course, I would love to work with her. But for now, ‘wag na lang muna. At saka na lang, when the time is right. Of course, gusto ko siyang makatrabaho, I’m looking forward na makasama siya sa trabaho, definitely!” sabi ni Arjo.

Naku, baka lalong magwala ang mga fan. Baka mas dumami ang mga basher nila. Mabuti na lang at palaban talaga siya sa mga basher?

“As I said last time, she’s worth fighting­ for! So, dedma na lang ako sa kanila. I’m happy nga, tulad ng sinabi ko, happy ako kuntento po ako. So, dedma na lang siguro.
“I see her happy rin, so that’s all matters to me.”

Pero, dahil daw kay Arjo, nabuwag na nang tuluyan ang AlDub?
“Ay, hindi ko po alam. Hindi ko alam. I’m on the personal side.”
Tinanong na rin si Arjo tungkol sa pagharap niya sa pamilya ni Maine. Naikuwento nga ni Maine sa blog niya na tahimik lang siya sa simula, at si Maine ay kabadong-kabado rin, dahil first time nga raw niyang may iharap na lalaki sa pamilya niya.

“Sa family niya? Of course, I think every guy would be scared… But yeah…

“Nakakatakot po, eh. But I faced it. I have to,” simpleng sagot niya.
Ang pamilya ni Arjo ay very suppor­tive sa sitwasyon nila ni Maine, ha. Na nakiusap, umiyak, hanggang sa luma­ban nga ang nanay niya sa mga basher noon.

“Oo naman po! Kahit sino namang magulang masasaktan. ‘Yun na lang muna. Tapos na po ‘yon. Doon na lang muna. Masa­yang-masaya kami. ‘Yun na lang muna.”

Inurirat din si Arjo sa Taiwan trip nila ni Maine, na birthday gift nga ba niya sa dalaga?
“Basta po nag-enjoy kami. Adventure kami.”

At isang pa-cute na “Hi” ang sagot ni Arjo nu’ng hingian ito ng mensahe para sa dalaga.
Pero, nang tanungin ulit ito, na kung magiging sila na ba ni Maine, ilalantad ba nila agad sa publiko? O itatago muna?

“Let’s see. One step at a time,” sabi na lang ni Arjo.
Siyanga pala, ang producer ng “Bagman” na dinirek ni Shugo Praico ay si Direk Lino Cayetano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy