Una sa Balita

Maine ibinalandra ang patong-patong na bilbil

0 678

Dalawang buwan na simula nang ipatupad ang community quarantine at halos lahat ay nabuburyong na talaga sa bahay kaya minabuti na lang nila na kumain.

Tila isa ang dabarkads na si Maine Mendoza sa mga indibidwal na ginagawang libangan ang pagkain habang naka-quarantine.

Sa kanyang Twitter, nakisali ito sa isang challenge kung saan ang mechanics ay mag-post ng mga litrato mula sa phone na nilalarawan ang pagkatao niya.

Game naman sa hamon ang aktres at inilabas nga ang mga litratong sa palagay niya ay pinaka-naglalarawan sa kanya.

Sa unang picture, happy beach baby ang kanyang datingan, pangalawa ay ang picture na nilalarawan ang kanyang pagiging aktres, sunod naman ay ang jeje picture niya at ang huli pagiging kenkoy niya kung saan makikitang naka-two piece siya na kitang-kita ang patong-patong na bilbil niya.

Bentang-benta sa mga fan ang litratong iyon ni Maine at marami ang naka-relate.

Bilib din ang karamihan na hindi ito nahiyang ilabas ang kanyang “hagdan hagdan” na bilbil. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More