Una sa Balita

Maine iba ang ka-date sa Araw ng mga Puso

0 576

Magkakasubukan sa aktingan sina Ruru Madrid at Maine Mendoza. Silang dalawa ang bibida sa Valentine episode ng show ni Mel Tiangco.

Nang unang magsama sina Ruru at Meng sa sitcom with Vic Sotto, pakilig at patawa ang mga eksena nila.

Wala pang ibang detalye sa bagong pagsasama ng dalawa. ‘Yun nga lang, behave tiyak si Ruru kay Maine dahil meron na itong Arjo Atayde kahit may eksena silang naglalambingan.

Naku, baka mag-react na naman ang balitang girlfriend niya na si Bianca Umali, huh!

Kris-Derek tandem ayaw nang ituloy ng produ

Wala nang balak ang lawyer-producer-director na si Joji Alonso na gawin pa ang pelikukang “(K)Ampon” na pagbibidahan sana ni Kris Aquino.

Na-disqualify ito nang mapili bilang isa sa official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival. Gumastos na siya sa unang shooting days pero hindi pa rin naaprubahan ng selection committee kahit ipinalit si Gabby Concepcion sa unang napiling leading man na si Derek Ramsay.

Ayon kay direk Joji, nagpakawala na siya ng ilang miyong piso. Nauwi rin sa wala ang ginastos niya. Kaya may nagkukumbinse sa kanyang isali sa Summer MMFF.

“Huwag na lang. Blessing na rin siguro nang hindi makasali,” saad niya.

Eh nang sumosyo si Atty. sa pelikulang “The Panti Sisters”, aminado siyang nakabawi sa mga nalugi, huh!

Teka, plano ba niyang magdirek muli after ng kanyang debut na “Belle Douleur”?

“Huwag na muna. Mahirap maging director! Ha! Ha! Ha!” tugon ng lawyer-producer-director.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More