‘Maine hindi suspendido sa Eat Bulaga!’ – Vic

By

Naungkat kay Vic Sotto ang kumakalat na tsismis na suspendido ngayon sa Eat Bulaga si Maine Mendoza.

Maaga ngang dumating si Bossing sa presscon ng filmfest entry niyang Meant To Beh sa Annabel’s nu’ng Martes.

Anyway, may kinalaman daw ang suspension sa inilabas na open letter ni Meng sa kanyang blog na nagpapatihawatig ng hinaing niya sa loob ng mahigit dalawang taon sa showbiz.

“Ang alam ko nagbabakasyon siya. I’m not really­ in the know. I’m not privy to anything sa personal niyang desisyon.

“Kasi para sa akin, kung anuman ‘yun, respetuhin lang natin kung anuman ang desisyon niya, kung anuman ang pinagdaraanan niya.

“Siya lang ang nakaaalam dun. I’m not privy to anything personal pagdating sa kanya,” paliwanag ni Bossing Vic.

Tiniyak ni Vic na hindi suspendido si Maine sa Bulaga.

“Definitely not. Bakit naman sususpindihin ng TAPE, ng Eat Bulaga si Maine?

“Lalo na kay Mr. Tuviera, respetado niya ‘yang opinion, pag-iisip at kung anumang pinagdaraanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads,” katwiran pa niya.

Pagdating naman sa nakasanayan na sistema ng loveteam sa showbiz, saad lang ni Bossing, “‘Yung loveteam, hindi naman mawawala ‘yan.


Nandoon na ‘yon habang buhay. So hintayin na lang natin ang susunod na kabanata,” bulalas ni Vic. 

SHARE