Una sa Balita

Maine hindi abusado sa mga fan

By
0 2,652

Ang mga fan ni Maine Mendoza ang nag-organize ng katatapos na Mainelandia 2018 bilang regalo nila sa 3rd anniversary sa showbiz ng Phenomenal Star.

Gastos lahat ng nagtulong-tulong niyang mga fan ang event at pinandagdag nila ang bayad sa entrance at bayad sa mga stall na nasa loob ng event ground.

Pero ayon sa isang source, tumulong din si Meng sa expenses sa event. Ayaw nga raw tanggapin ng mga organizer ang halagang ibinibigay ng kanilang idolo, huh! Sapat na sa kanila ‘yung presence niya dahil sumaya sila at napaiyak nang kantahan sila.

Subalit ipinagpilitan ito ni Maine dahil alam niyang for a good cause ang pupuntahan ng proceed ng event. ()