Una sa Balita

Maine hinamon ng biritan ni Jed Madela

By
0 3,001

Preliminary talks pa lang ang naganap between Universal Records at management ni Maine Mendoza tungkol sa pagpasok ng Phenomenal Star sa recording scene.

Trending topic kasi sa Twitter PH ang hashtag na #MaineForUniversalRecords nang may mga pahaging sa social media tungkol sa topic na ito. Isa na rito ang tweet ng composer-singer na si Ito Rapadas sa post niya sa Instagram. “Bottom half of my pic with…Soon!!!” pero walang mukha ang nasa litrato.

Maging si Jed Madela ay natuwa sa balitang ito dahil dream din niyang maka-duet si Meng sa isang kanta. Eh ang Universal Records boss na si Kathleen Dy Go, tuwang-tuwa sa trending topi­c ng hashtag at naglabas din siya ng pic kasama ang isang girl na may suot na jacket na may tatak na Universal pero nakatalikod ang girl.

Paalala naman ng mga fan ni Maine, ang idolo nila ang sumulat at kumanta ng theme song ng kantang Imagine me & You para sa movie nila ni Alden Richards na may kaparehong titulo.

Abangers na lang kayo dahil paniguradong magkakaroon ng katotohanan ang balitang ito, huh!