Una sa Balita

Maine, halos mabaliw sa kakaisip sa 1st showbiz anniv niya!

By
0 139

Professional talaga si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub dahil kahit na nadulas siya sa hagdan ng Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum, pinagtawanan lang niya ang nangyari sa kanya at tuloy pa rin ang kanyang pinaghandaan na production number para sa kanyang first showbiz anniversary noong nakaraang Sabado na may hashtag na #ALDUBMaineCele­bration.

Sa isang video na pinost ay nakita kunsaan nadulas si Maine at ang naging reaksyon niya sa nangyari.

Nagawa pang pagtawanan ni Maine ang kanyang sarili.

“Dito ako nadulas oh…ayan nakita nyo po ba ‘yung dulas ko? At dahil nadulas po ako, tapos na po ang show na ito.”

Sa naging Instagram post ni Maine ay inamin nito na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan i-celebrate ang kanyang first anniversary sa showbiz? Pinaliwanagan naman siya ng staff ng Eat Bulaga na kaila­ngan niyang gawin ito para sa mga fans nila ni Alden Richards.

Pag-amin pa ni Maine na halos mabaliw daw siya sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa kanyang performance noong Sabado.

“Isang araw lamang ang naibigay sakin para aralin lahat ng ginawa ko kanina. (Dahil sa kakulangan ng oras) Maba­baliw na ata ako kahapon kakaisip ng mga gagawin ko hanggang sa susunod na linggo.

“Naloka ako; parang naisip ko “Kaya ko pa ba?”, sabi ko pa “Bakit kailangan pang i-celebrate yung anniversary ko? Di ba pwedeng simpleng bati nalang?

“Ipinaliwanag nila sa akin kung bakit kaila­ngang ipagdiwang itong araw na ‘to. Naintindihan ko. Itong araw na ‘to ay hindi lang para sakin; kundi para din sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin.

“Sa mga sumubaybay sa akin mula simula hanggang ngayon; sa mga patuloy na naniniwala–para sa mga hindi nawala.

“Itong araw na ito at ang lahat ng ginawa ko kanina ay para ho sa inyo. Isang taon na ang lumipas at nasaksihan niyo ang lahat ng pagbabago sa buhay ko–maliit man o ma­laki–kayo ay naka­tutok.”

Labis na nagpasa­lamat si Maine sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.

“Gusto kong magpa­salamat sa lahat; sa mga sumusuporta, naniniwala, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal.

“Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko; kung bakit nga ba ako inilagay ng Diyos dito sa kinatatayuan ko.

“Hindi lang pala ito basta-basta katuparan lamang ng pangarap ko.. siguro kaya din ako nandirito ay dahil alam Niya na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay mayroon akong mapapaligayang mga tao.”

AlDub nation kinilig sa message at halik ni Alden kay Maine!

Nagbigay naman ng isang special message si Alden para kay Maine noong first showbiz anniversary nito noong nakaraang Sabado.

Hindi puwedeng hindi makapagbigay ang Pambansang Bae ng kanyang mensahe sa kanyang ka-loveteam sa kanilang pelikula na Imagine You & Me.

“Ito lang masasabi ko sa ‘yo, Maine.

“Ang mga tao maraming tawag sa ‘yo, Divina, Yaya Dub, Gara. Pero gusto ko lang malaman mo na ikaw lang ang nag-iisang Maine Mendoza sa buhay ko. Happy anniversary,” sey ni Alden sabay halik nito sa noo.

Lalong kinilig ang mga fans nang mag-duet pa sila ng theme song ng kanilang pelikula na magbubukas na sa July 13.

Ang aabangan naman sa susunod ay ang first anniversary ng AlDub loveteam sa July 16.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More