Una sa Balita

Maine ginagamit sa pangraraket

By
0 877

Bagama’t napag-alaman namin na si Pia Wurtzbach pala ang unang local celebrity choice raw ng isang sikat na international cosmetic brand upang gawan ng sariling shade ng lipstick, hindi pa rin nagkamali ang kompanya na kunin si Maine Mendoza na kapalit dahil madali itong na-sold out sa lahat ng stores nila all over Philippines.

Hindi raw kasi agad sumagot ang 2015 Miss Universe sa ipinadalang mensahe sa kanya ng nasabing cosmetic company. Pero ang tanong ko nga: Dumeretso ba talaga kay Pia or baka hindi naman nila na-contact ang business manager nito na siyang dapat muna na kinakausap ng mga balak kumuhang endorser, which is standard operational procedure sa mga ganyang eksena sa showbiz?

Pero ang kampo raw ni Maine ay mabilis na sumagot sa inquiry, kaya naman daw nang nagkasundo sila ng kompanya ay agad lumipad ang aktres sa main office ng kilalang international makeup brand sa Canada at doon na sila nag-create ng shade of lipstick na bet nito at ipinangalan sa kanya.

More or less, 20,000 pieces daw ang ginawa at ibinentang Maine lipstick dito sa atin na in just one day ay halos ubos agad! We heard, in their one store, they had to keep 400 pieces of it out 2,500 pieces na allocation nila nu’ng unang araw na ibinenta para may maibenta pa raw sila kinabukasan.

Ang siste raw ng ibang bumili ng lipstick ni Maine ay nagho-hoard para ‘pag ubos na sa lahat ng stores ay ibebenta nila online sa mas mataas na presyo, kaya nilimitahan daw ng kompanya sa tatlong piraso kada customer ang pagbili ng naturang lipstick.

Aba, niraraket pa nila ha! ()