Una sa Balita

MAINE, FEELING EXPERT SA PAMBABASTED! 

0 117
Maine Mendoza
Maine Mendoza

Kung nagbigay noon si Pambansang Bae Alden Richards ng love advice kunsaan kinumpara niya ang love sa pagbili ng bagong sapatos, ngayon ay si Maine Mendoza naman ang magbibigay ng kanyang love advice sa marami.

Sinagot ni Maine ang tanong ng isang netizen kung paano tanggihan ang isang manliligaw?

Heto ang sagot ni Sinag ng Destined To Be Yours:

“Kahit ano’ng sabihin mo, masasaktan siya kasi ide-decline mo ‘yung tao eh, ba-basted-in mo.

“Kahit ano’ng sabihin mo, masasaktan siya. Wala kang magagawa kasi ganun talaga ang mga tao.

“Talagang minsan makakasakit talaga tayo ng damdamin at wala na tayong magagawa doon.

“Kailangan nating sabihin ang totoo nating na­raramdaman. Sabihin mo sa kanya, ‘Ayoko sa‘yo. Hindi kita gusto.

Maghanap ka na lang ng iba.’ Cha­ring! Huwag ganoon. Meron namang nicer way para magsabi ng mga ganyan, mang-basted,” diin pa ni Maine.

Kaya heto raw ang nice way…

“Sabihin mo na lang na siguro mas okay kung maging magkaibigan na lang kayo kasi ‘yun lang ‘yung tingin mo sa kanya.

“Pwede mo siyang mahalin pero bilang kaibi­gan nga lang,” diin niya.

May isa pang tanong kay Maine kung paano raw magpapansin sa iyong crush? Heto ang sagot niya:

“Pwede ka namang magpakilala. Pero huwag mo namang sabihin na, ‘Uy, ako nga pala si Maine. Crush kita!’ Huwag ganon!

“Dapat, pang simple girl. Parang ganito, ‘Hi! Ako nga pala si Maine. Ano’ng favorite mong number sa electric fan?’ Ganoon lang dapat ka-swabe!

“Basta mabuti ‘yung makipagkilala ka muna tapos makipagkaibigan ka.

“Malay mo, maging crush ka din ng crush mo. Pero huwag kang mag-expect!” pagtapos pa ni Maine Mendoza. (RUEL MENDOZA)

JUANCHO, SUKO NA SA PAG-IBIG KAY MAINE!

Samantala, hindi nagpaiwan ang Destined To Be Yours hotties na sina Maine Mendoza, Sheena Halili, Thea Tolentino, Ina Feleo, Koreen Medina, Kim Rodriguez at maging si Maey Bautista dahil rumampa sila sa beach ngayong tag-init!

Kanya-kanya man sila ng pinuntahang beach ay pare-pareho naman silang nagbilad ng katawan with their swimsuits!

At kasabay ng panahon ay mas lalo ring umiinit ang mga eksena sa Destined To Be Yours dahil sinukuan na ni Badong (Juancho Trivino) si Sinag (Maine).

Ang alaga nilang ibon na si Sidong ang nagpa-realize kay Badong na dapat na niyang bitawan si Sinag.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy