Una sa Balita

Maine eeksena sa premiere night ng pelikula ni Arjo?

0 1,043

abante-anything-goes-jun-lalinSi Sylvia Sanchez ang bida sa pelikulang Jesusa na produced ni Daddie Wowie Roxas na discoverer ni Isko Moreno.

Sa Tuesday ay may big press announcement tungkol sa movie na ‘yon at siguradong sa presscon ay matatanong si Sylvia tungkol sa anak niyang si Arjo Atayde na kamakailan nga ay umaming exclusively dating ito at si Maine Mendoza. Mag-comment kaya si Sylvia tungkol doon?

After nga pala ng presscon ay dederetso raw si Sylvia sa premiere night ng pelikula ni Arjo. Katulad kaya ni Sylvia ay um-attend din doon si Maine?
Aba­ngan!

General napagkamalang si Digong

Kahapon dumating ng bansa si Retired General Ronald dela Rosa mula sa Los ­Angeles, California.

Mukhang umuwi ng bansa si Bato dahil premiere night na sa Tuesday ng biopic niya na “Bato: The General Ronald dela Rosa Story” at tiyak na sasamahan niya sa event na ‘yon ang bida ng pelikula na si Robin Padilla.

Ipapalabas kaagad sa Wednesday ang Bato movie dahil sa February 12 na ang simula ng campaign period.

Anyway, marami ang naaliw kay Bato sa flight pauwi ng Philippines dahil lahat ng mga nagpapa-picture kasama siya ay pinagbigyan niya. Para nga raw big star kung pagkaguluhan si Bato sa flight na ‘yon.

May isang old lady rin na lumapit sa kanya at tuwang-tuwa nag-dialogue ng, “Ibinoto kita… ibinoto kita!”

Akala pala ng old lady ay si President Rodrigo Duterte si Bato, kaya ganoon ang dialogue niya at natawa na lang daw ang senatoriable.

Raymond may bagong show sa ‘E! Asia’

Kahapon ay katsikahan ko sa cellphone si Raymond Gutierrez. Nasa dinner daw sila ng ate niyang si Ruffa Gutierrez na kadarating lang sa L.A.
Bonding time silang dalawa dahil isang araw lang silang magkakasama at papunta nga kasi si Ruffa sa Cabo, Mexico.

Pagbalik naman ni Ruffa sa L.A. ay wala na si Raymond dahil bigla nga itong nag-decide na uuwi ng bansa, kaya sa Wednesday evening ay nasa Philippines na ang E! Asia host dahil a-attend daw siya sa wedding ng isang friend kung saan ay isa sa mga entourage si Sarah Lahbati.

“I’m staying in Manila for over a month, but pupunta rin ako sa Niseko, Japan dahil may invitation ako,” sey ni Raymond na may new show na naman sa E! Asia, ang Famously Fit na nagsimula na noong Friday at tatagal ng six episodes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy