Una sa Balita

Maine ‘di type pakasal sa Korean actor

By
0 874

Magpapatuloy ang kuwento ni Lola Goreng ngayong gabi sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, kung saan ay bida nga sina Maine Mendoza bilang Laura Patola, at Baeby Baste bilang si Dwending.

Naisahan nga ni Gab (Alexander Lee) sina Laura at Dwending nung ayaw nitong ibalik ang cap. Gusto kasi ni Gab na pakasalan muna siya ni Laura bago niya ibalik ang cap. Sinabi pa ni Gab na isinumpa siya ng shaman a thousand years ago when he was an evil goblin. At mamatay raw silang buong pamilya kapag hindi siya nakapag-asawa.

Pero siyempre ayaw ni Laura na magpakasal. At bigla ngang nawala si Gab na tangay ang cap ni Dwending.

Pero nadiskubre ni Laura na kapag wala ang cap ay unti-unti ring mamamatay si Dwending. At desperada na si Laura kaya payag na siyang pakasal kay Gab. Pero tututol si Dwending na pakasal si Laura kay Gab, kaya nagmakaawa si Dwending kina Dwendel at Dwindy na tulungan si Laura, pero tumanggi ang dalawa.

Lumala ang kondisyon ni Dwending, at nakita ni Gab ang paghihiwalay ng dalawang magkaibigan. Na-guilty siya, kaya nung oras na pakakasal na sila ni Laura, tinanggal niya ang cap at bigla ring dumating sina Dwendel, Dwindy at Dwending. Pero, hindi na nila kailangang labanan si Gab, dahil ito na mismo ang nag-cancel ng kasal nila ni Laura.

Gumaling si Dwending, at umalis na rin si Gab. Pero, naalala ni Laura na ‘yun din ang gabi na mamamatay si Gab. Kaya agad nilang hinanap si Gab. Nakita nila itong hinang-hina sa forest, at tinulungan ni Laura si Gab. Nawala ang sumpa, na hindi pala kailangan ang asawa, to pull out the dagger, kundi isang tao lang na mamahalin siya bilang kaibigan.

At dito na nga natapos ang kuwento ni Lola Goreng. Ang aral sa kuwentong ito, na kahit ang mga bad people ay kaya pa ring maging mabuti. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy