Una sa Balita

Maine, Daniel tatapatan ang KathDen

0 1,391

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMixed reactions ang naging impact ng balitang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Alden Ri­­chards­ sa isang pelikula na ipo-produce ng Star Ci­nema Inc.

Nagposte sa kanyang Instagram wall ang isa sa mga executive ng ABS-CBN 2 na si Roxy Liquigan ng videos ng pagdating ng dalawang big stars sa storycon ng gagawin nilang pelikula, at mga photo na magkasama sina Kathryn at Alden.

Sa caption, winelcome ni Roxy si Alden sa pagda­ting nito sa event o conference.

Hindi na lingid ito sa mga fan nina Kathryn at Alden na may samu’t sa­ring reaksyon sa tandem na bubuuin ng dalawa.

Marami ang nag-predict na magiging box office hit ang project.

@kathnielreyes, “it will be a big hit! Congrats @bernadokath and @aldenri­chards02.”

Ang ilan naman ay hindi matanggap na iwanan ang dating ka-tandem, si Kathryn sa kasintahang si Daniel, at si Alden naman ay kay Maine Mendoza o AlDub.

@miss.no.face, “No Chemistry.”

May nagbida naman ng kani-kanilang mga manok na hindi puwedeng itsapuwerahin.

@zosimaundangan, “walang tatalo kay Daniel na billionaire oy.”

May nag-suggest namang ipareha si Maine Mendoza kay Daniel Padilla.

@torres.nelia, “Ok. Aldub fan here support kami sa kanilang 2 anyway si Kathryn naman yan sweet girl..pero kung gusto nio pa ng another mega blockbuster mo­vie, pls do Maine Mendoza-Daniel Padilla movie…”

@shutfukcp, “Daniel Maine next? Wink! Wink!.”

Anyways, hanggang sa balitang tandem lang muna ang naibahagi ng Kapamilya network, na limang buwan ang preparations sa nasabing project.

Lassy pinatikim ng bangis ni Chokoleit

Isa sa tinamaan ng maaga at mabilis na pagyao ni Chokoleit ay ang komedyanteng si Lassy.

Sa panayam ng “Aban­telliling” kay Lassy para sa promotion ng lalabas nilang movie na pinagbibidahan ni Teddy Corpuz, ang “Papa Pogi” under Regal Films, inisa-isa nito ang na­ging bahagi ng kanyang sing-along journey bago siya na­bigyan ng chance na ma­ging movie star.

Nag-guest si Lassy kasama si Jhaz Infi­nity sa show namin ni Dondon Sermino noong Tuesday ng hapon, at ibinahagi ng stand-up comedian na si Chokoleit ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name o alias.

Ayon kay Lassy, sa pag-iisip ng mga pangalang babagay sa kanyang packa­ging at image, naisip ni Chokoleit na “Lassy” ang gamitin niya dahil sikat noon ang asong may ganitong pangalan.

Bago pa naging ka-tandem ni Vice Ganda si Lassy, ipinareha muna siya kay Chokoleit sa Punchline at Laffline.

Kay Chokoleit unang natikman ang ba­ngis ng tinawag nila sa sing-along na “ha­zing” kung saan binabarubal sa dressing room ang mga bagong pasok na komedyante.

Pero si Chokoleit rin ang nag-angat at isa sa nagbigay ng support kay Lassy hanggang sa mapansin siya ng audience.

Alam ni Lassy na may problema sa kanyang blood pressure si Chokoleit, dahil noong ginagawa nila ang “Fantastica” ni Vice, na ipinalabas nu’ng nakaraang MMFF, mataas na ang blood pressure ng komedyante.

Kuwento ni Lassy, habang naghihintay ng take sa shooting, naglaro sila ng pataasan ng blood pressure para lang malandi nila ang paramedics na naka-stand by sa location.

Lumabas sa reading na pinakamataas ang blood pressure ni Chokoleit.

Walang ideya si Lassy kung nagti-take ng kanyang maintenance o gamot si Chokoleit.

Magkagayon pa man, hinding-hindi makakalimutan ni Lassy ang mga naitulong sa kanya ni Chokoleit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy