Una sa Balita

Maine, Bossing nilampaso nina Sarah, Apl., Lea, Bamboo sa rating

0 849

Waging-wagi agad sa rating ang galit ni Sarah Geronimo kay Apl.de.Ap sa pagbubukas ng The Voice Teens sa ABS-CBN.

Agad itong umarangkada sa nationwide ratings. At marami nga ang naaliw kina Apl.de.ap, Sarah, Bamboo at Lea Salonga.

Tinutukan talaga ang asaran at agawan ng coaches para sa mga teen artist, kung kaya’t nagkamit ang “The Voice Teens” ng national TV rating na 28.9% at tinalo ang “Daddy’s Gurl” nina Maine Mendoza, Vic Sotto na nakakuha lang ng 15.7% noong Sabado (Pebrero 8), ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pagtatapos ng unang yugto ng blind auditions, nasungkit ng Team Apl ang kauna-unahang four-chair turner ng season na si Matt Reyes at si Yang-yang Aloya na mula sa Batangas.

Dalawang binatang balladeer ang nakuha ng Team Sarah na sina Jay Garche at Andre Eusebio, habang dalawang dalaga naman ang napabilang sa Kamp Kawayan na sina Ysa Jison at AJ Yape.

Tagumpay rin ang FamiLea nang makuha nito ang biriterang four-chair turner na si Pia Banga, matapos gamitin ni coach Apl laban kay coach Sarah ang unang Block sa bagong season ng talent-reality competition.

Ipinakikilala sa bagong season ang Block Button, na binibigyan ng kapangyarihan ang coaches na hadlangan ang isang kapwa coach na mapili ng isang teen artist. At dito nga nakaramdam ng galit si Sarah kay Apl.
Pero, maaari pa ring mabawi ng na-block na coaches ang kanilang mga gustong artist sa patuloy na paggamit ng “steal deals” sa susunod na rounds. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More