Una sa Balita

Maine bonggadera ang 24TH birthday

By
0 735

Kahapon ginanap ang 24th birthday celebration ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” pero ngayong araw na ito, March 3, ang actual birthday niya. Late night na nang matapos mag-rehearsal si Maine para sa inihandang production number.

Three and a half years, since July 16, 2015 nang mabuo ang AlDub ay tatlong taon na rin na maaaring ni sa panaginip, hindi nito inakala na mararanasan ang sunod-sunod na grand surprise birthday celebrations niya.

As usual, bumaha na naman ng sangkaterbang cakes sa studio ng “Eat Bulaga” mula sa iba’t ibang fans club niya at endorsements. Same goes with birthday greetings. Noong isang taon ay napakaraming birthday party na ibinigay sa kanya ng mga fans, so far, ilang araw bago ang actual birthday niya which is today, March 3, may nagpa-birthday party na kay Maine.

‘Yun nga lang, hindi ito personal na nakarating ­dahil natapat na may prior schedule na talaga sa napi­ling date ng party ng isa sa mga fan club niya. Idinaos din ng kanyang “Daddy’s Gurl” family ang kanyang kaarawan sa kanilang taping day.

And yes, ang mga pa-birthday hashtag pa nga ba niya ang hindi magti-trending na ang #Maine24th at #MaineTurns24 ay top 2 Philippine Twitter Trending umaga pa lang ng March 2.

 

Mahiyain pa rin

Halos mag-a-apat na taon na si Maine sa showbiz at sa loob ng mga panahong ito, masasabing ang na-achieve na popularidad at mga proyekto, kabilang na ang

‘di mabilang na endorsements ng dati’y nagsimula lang sa pagda-Dubsmash ay wala pang nakapapantay sa sinuman artista.

Phenomenal nga as it is. Maging ang Triple A management ay aminado sa bagay na ito.

“Four years, parang bibihira yata ang naka-achieve na ng gaya ng nangyari kay Maine. We’re more than happy, more than blessed. Talagang ang ‘Eat Bulaga’ ang nag-pave ng way para makilala siya. And si Maine naman, she really worked hard for it.”

Sabi rin ni Rams, ang laki rin ng naging improvement ni Maine sa maraming aspeto.

“Si Maine I think, minahal talaga siya ng mga tao at ng mga fans dahil nakikita nila ‘yung pagiging genuine niya. And ang laki ng improvement niya sa pagganap. ‘Yung comedy timing niya, I could say, ang galing. Nakita natin ‘yun sa ‘Jak Em Popoy’ at kahit sa ‘Daddy’s Gurl,’ makikita mo galing ng timing niya at pagiging kumportable niya na ngayon. Although, mahiyain pa rin talaga sa ilang bagay.”

Kung meron man daw maganda kay Maine, mula noong nag-uumpisa ito hanggang ngayon, hindi pa rin daw talaga nagsi-sink-in dito kung gaano na ito kalaking artista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy