Una sa Balita

Maine biglang nag-Thailand pagbalik ni Alden ng ‘Pinas

0 874

abante-i-know-better-jun-nardoBumalik na ng bansa si Alden Ri­chards mula sa Japan kung saan white Christmas ang ipinadama niya sa kanyang pamilya. May pa-hashtag ang mga fan niya na #WelcomeBackAlden na nag-trend naman sa Twitter.

Ang preparasyon para sa GMA New Year’s Countdown sa Seaside Blvd. sa may SM Mall of Asia ang venue ng event na taon-taon ay kanyang hino-host. Of course, sasamahan din siya ng maraming Kapuso star upang gawing makulay at maningning ang pagtatapos ng 2018.

Samantala, lumutang sa social media na sa pagbabalik ni Alden eh siya namang alis ni Maine Mendoza ng bansa. Wala siyang post sa kanyang social media account kung saan siya nagliwaliw pero ang hinala naman ng mga fan niya eh sa Thailand siya.

Wherever she is, siguradong balik-Pinas siya bago ang January 1 dahil live na ang Eat Bulaga sa New Year.

Martin bongga ang pagpapasilip ng kuyukot

Christian Bables’ loss is Martin del Rosario’s gain dahil walang takot ang Kapuso actor na magpakita ng kanyang kuyukot sa poster pa lang ng pelikula niyang Born Beautiful.

Napunta kay Martin ang role ni Barbs sa unang ipinalabas na Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros na unang ginampanan ni Christian. Nagkasamaan pa nga ng loob between him at mga producer ng pelikula na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Mas pinili ni Christian ang commitment sa kumuhang TV network sa kanya kesa sa mga taong nagbigay ng biggest break sa kanyang acting career. But that’s water under the bridge dahil balitang nagkabati na sila.

Pero hindi lang ang ganda at katawan ni Martin ang pinag-usapan sa red band trailer na inilabas kundi maging ang laplapan niya kina Kiko Matos at Akihiro Blanco, huh! Curious din ang tao kay Akihiro dahil puma­yag siyang makipaghalikan sa kapwa niya lalaki.

Sa January pa ang showing­ ng Born Beautiful at may special appearance din si Paolo Ballesteros.