MAINE, BAWAL MAKIPAGHARUTAN SA IBANG LALAKE!

AYAW NI ALDEN!

By

Muntik nang ibuking ni Maine Mendoza ang kanyang leading man sa GMA primetime teleserye na Destined To Be Yours na si Alden Richards kung sino ang pinagselosan nito noong nagsu-shoot sila ng pelikula sa Italy noong nakaraang taon.

Sa pag-guest nina Alden at Maine sa show ni Regine Velasquez-Alcasid na Full House Tonight, tinanong ni Asia’s Songbird sa dalawa kung may pagkakataon bang nagkakaroon pa rin ng selosan sa kanilang dalawa.

Sagot ni Alden ay kung wala naman daw dahilan para may ipagselos ang isa, okey silang dalawa ni Maine. Biglang hirit ni Maine na may naalala siya na pinagselosan nang husto ni Alden noong nasa Italy sila.

Kuwento pa ni Maine ay nairita si Alden noong panahon na iyon dahil nakikipagharutan pa raw si Maine sa lalakeng ito sa harapan pa niya.

Noong sasabihin na sana ni Maine kung sino ito, biglang napasigaw si Alden ng “Huwag na!”

Kaya sa social media ay maraming nagtanong na fans kung sino raw ba ‘yung pinagselosan ni Alden sa Italy na kaharutan ni Maine?

Sa mga fans na nakakaalam, ang pinagselosan daw ni Alden ay ang road manager/handler niyang nagngangalang Leysam.

Close rin kasi si Maine kay Leysam kaya nabigyan yata ng ibang kahulugan ni Alden ang harutan ng dalawa noong nasa Italy sila.

Patunay lang na gusto ni Alden na nasa kanya lang ang atensyon ni Maine at hindi sa iba, kesehodang road manager pa niya ito!

SHARE