Una sa Balita

Maine bagong pantasya ni Derrick

By
0 5,906

Napapatitig daw si Derrick Mo­nasterio ng halos limang minuto sa pinaka-latest pictorial ni Maine Mendoza in bikini swimsuit na kinunan pa sa Amerika.

Hindi ito ang first time nagpasilip ng kaseksihan ang phenomenal star pero mukhang ngayon lang ito nakita at nabigyan ng pansin ng Kapuso actor na minsan na ring na-link kay Maine.

Hindi nga raw niya akalain na may pa-bikini nga si Yaya Dub, pero siya na rin ang nagsabi na bukod sa ganda nito, ang personalidad daw talaga nito ang minamahal ng mga tao.

Ayaw na rin niya gaanong magsalita tungkol sa controversial personality dahil baka nga raw ma-bash na naman siya ng over the top katulad noong matsismis silang dalawa.

Pero, kung sakali raw na magkrus ang landas nila sa isang project, okey ‘yun sa kanya dahil professional naman siyang tao and as long as maganda ang project, why not nga raw.

Siyempre, depende rin daw ito sa Kalyeserye Queen kung tatanggapin nito o hindi. Pero, wala pa naman daw ganu’ng offer kaya quiet na muna siya tungkol sa possibilities na ganito.

Mas gusto niyang mag-concentrate sa tinatapos nilang movie ni Barbie Forteza na kinunan nga sa Italy at may ilang shooting days pa sila locally.

Katulad nga raw ng titulo ng pelikula nilang Almost A Love Story, almost lang daw ang nangyari sa kanila noon ni Barbie, pero hindi nga sila nagkatuluyan dahil napunta na sa maskuladong bisig ni Jak ang kanyang leading lady.

Korek!